Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gloria Diaz Michelle Dee

Gloria iginiit ‘wag nang umangal resulta ng Miss Universe

HATAWAN
ni Ed de Leon

IBA talaga si Gloria Diaz. Nang matanong siya tungkol kay Michelle Dee na bagama’t natalo sa nakaraang Miss Universe ay pinalalabas ng iba na “lutong Thailand daw.” Diretsahan sinagot iyan ng unang Pinay na Miss Universe.

Sabi niya, “iba si Melanie noong lumaban siya sa Miss International. I gave her a 10. Si Michellr is good naman but I will rate her an 8.” 

Sabi pa ni Gloria, huwag ikompara si Michelle kay Melanie, dahil iyon ang tipong international beauty queen talaga. At sino ang makakakuwestiyon sa opinion ni Gloria? Hindi lamang siya ang kauna-unahan nating Miss Universe, higit kanino man malawak na ang kanyang karanasan sa pageant na iyan. Parang napupulsuhan na niya kung ano ang chances ng isang kandidata na manalo.

Kung sabagay, naging kritikal din si Gloria sa Miss Universe nitong mga nakaraang araw, kasi nga hindi rin niya nagustuhan nang payagan ang mga transgender at mga unwed mothers na makasali sa nasabing contest. Kagaya rin ng marami na naniniwalang nakababawas iyon sa excitement at prestige ng contest. 

Sabi nga ng isang manunulat lately, ang trangender ay hindi tunay na babae kundi nagpapanggap lamang na babae. Aminin na ninyo na kayo ay lalaki na nagpapanggap lamang na babae.

Eh iyong mga transgender naman, hindi nila maaamin na nagpapanggap lamang silang babae. Ang tawag nila sa kanilang sarili ay mga babaeng nakulong sa katawan ng isang lalaki, gaya rin ng may-ari ngayon ng Miss Universe mismo. Kagaya rin ng dating action star na si Rustom Padilla. Pero para sa amin hindi bale kung magagandang bakla sana sila, eh kung mga baklang mukhang “Hayop” sana naman huwag na.

Anyway, sa sinabi ni Gloria, para niyang sinabing tumahimik na lang tayo at huwag nang magreklamo, basta sa susunod humanap naman kayo ng kandidatang maaari ngang rated 10 para hindi naman tayo talo. Kung sabagay wala iyan sa panalo at talo eh. Sabihin mo mang nananalo ka, kung kagaya naman ng ibang nanalo nga pero ni hindi mo halos masabing mga Filipino, hindi bale na lang. Para sa amin matalo man, basta gandang Filipina talaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …