Saturday , November 23 2024
Jhassy Busran Gladys Reyes Unspoken Letters

Jhassy Busran naisakatuparan dream role sa Unspoken Letter

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DREAM ni Jhassy Busran na makaganap bilang isang special child kaya naman talagang nag-audition siya para makuha ang role ni Felipa sa Unspoken Letter na talaga namang napaka-challenging.

Sinuwerte naman si Jhassy at siya ang nakuha sa napakaraming nag-audition para sa nasabing role, si Felipa isang 17 year old na ang utak at kilos ay nasa lebel ng isang pitong taong gulang na babae.

Kaya naman sobrang proud at happy ang award-winning young actress nang makuha ang nasabing role. 

“Dream role ko po ito, gustong-gusto ko po siya, so nag-audition po ako. I went through a lot din po getting this role,” ani Jhassy sa mediacon ng Unspoken Letters noong Linggo sa B Hotel.

“Sa totoo lang akala ko madali lang ‘yung role ni Felipa, hindi pala. Kasi noong ginagawa ko na mahirap pala. Pero okey lang kasi gustong-gusto ko talaga itong role na ito,” sabi pa ng batang aktres.

Nang matanong namin kung ano ang mahirap na eksena o memorable scene na ginawa niya sa pelikula, naibahagi nito iyong eksena nila ni Gladys Reyes. Doo’y nasampal siya nito. 

At aminado itong namanhid at bumakat sa kanyang mukha ang sampal ng veteran actress.

Kasi nagulat po ako na ganoon (kasakit). Kahit alam n’yo na ganoon ang eksena, magugulat ka pa rin, pero parang nangibabaw po sa akin ‘yung (pagiging) proud sa sarili ko na nasampal ako ng isang Gladys Reyes, ganoon po,” aniya.

“Namula talaga itong mukha ko tapos bumakat talaga ‘yung kamay na isinampal niya. Pero masaya po ako kasi nagawa kong mabuti iyong eksena na kasama si Ms Gladys,” proud na pagbabahati ni Jhassy na ikatlong pelikula na ang Unspoken Letters. 

Hindi ito ang unang challenging movie na ginawa ni Jhassy dahil nanalo na siya ng Jury Award Best of the Best Performance by an Actress sa Manhattan Film Festival New York 2021 sa short film na Pugon.

Nagwari rin siyang Best Child Actress sa Gully International Film Festival 2021 sa India, Best Child Actress sa Ashoka International Film Festival 2021, at Outstanding Lead Actress in a Movie sa World Class Excellence Japan Awards (WCEJA).

Kinilala rin ang husay ni Jhassy sa America Excellence Awards Hollywood 2023 bilang Multi-Awarded New Female Movie Actress.

Pinarangalan din ang batang aktres sa The Outstanding Women in the Philippines 2022, Gintong Kabataan Awards 2022, at sa 6th Philippine Empowered Men and Women 2023.

Kasama rin sa Unspoken Letters sina Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Matet de Leon, Simon Ibarra at marami pang iba. Ito ay ipinrodyus ng Utmost Creative Motion Pictures, written and directed by Gat Alaman.

Magiging parte rin si Jhassy ng upcoming 12 episodes ng TV series na Genius Teens—Season One sa IBC13 at Tropa Peeps mula sa National Council of Children’s TV ng Department of Education.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …