Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Navotas City Hospital NCH

Hospital Star Award nasungkit ng NCH

MULING kinilala ng Department of Health (DOH), sa pamamagitan ng Health Facilities and Services Regulatory Bureau, ang Navotas City Hospital (NCH) bilang isa sa Top 15 Level 1 na ospital sa bansa.

Ang pagkilala ay ibinigay sa NCH para sa pagtataguyod ng de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan habang patuloy na naghahanap ng pagbabago sa paghahatid ng pangangalaga sa pasyente.

Si Dr. Spica Acoba, NCH Medical Director, at Dr. Roan Salafranca, Chief of Clinics, ay tumanggap ng parangal sa seremonya ng 2023 DOH Hospital Star Awards na ginanap sa Iloilo City.

“We will continue to draw inspiration from this milestone to meet the challenges and further provide excellent medical and health facilities to our constituents,” ani Mayor John Rey Tiangco.

Ngayong taon, pinasinayaan ng Navotas ang mga karagdagang pasilidad sa kalusugan, kabilang ang isang bagong laboratoryo sa Navotas City Hospital at isang molecular laboratory sa Brgy. NBBS Dagat-dagatan.

Naghahanda na rin para sa pagtatayo ng isang super health center sa Brgy. NBBS Kaunlaran.

“We are grateful to our hospital and healthcare workers for their unwavering commitment and compassion in caring for the health and wellness of Navoteños,” dagdag ni Tiangco.

Ang mga nagwagi sa DOH Hospital Star Awards ay pinili sa pamamagitan ng masusing pagsusuri ng kanilang mga programa, aktibidad, inisyatiba, at inobasyon sa mga sumusunod na pamantayan: kaligtasan at pagkontrol sa impeksiyon, pagbibigay ng serbisyo, kasiyahan ng customer at empleyado, mga aktibidad na nakabatay sa komunidad, pagpapabuti ng kalidad, kasama ang pagharap COVID-19 pandemic. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …