HATAWAN
ni Ed de Leon
TALAGA bang mas may appeal na ngayon ang mga artistang lalaki kaysa sinasabing mas may batak ang mga artistang babae? Kasi ang majority ng audience noon ay mga babae na naghahanap na maka-identify man lang sila sa mga artistang napapanood nila.
Ngayon nga raw dahil bading na ang mga audience, halos lahat ng mga director ay bading na rin kaya lumalabas na mas nagiging bida ang mga artistang lalaki. Nakita nga ninyo, maski iyong Encantadia na dati ang bida at mga sangre ay puro babae, ngayon may lalaki na ring sangre. Kung makalulusot iyan hindi malayong sa susunod ang lahat ng kanilang mga sangre ay mga lalaki na sa kanilang serye.
Pero ewan lang namin ha, pero parang kami naiilang sa paglalagay nila ng isang sangreng lalaki. Siguro dapat pinanatili na lang nilang puro babae ang sangre at tapos naglagay na lang sila ng mga leading man niyon. Hindi iyang ganyang binago pa ang nakasanayan nang takbo ng kuwento at naglagay pa ng lalaking sangre.
Ewan, sana mali kami pero sa tingin namin lalo lang nilang pinalalakas ang Batang Quiapo sa ginawa nila.