Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Maine Mendoza Sylvia Sanchez

Sylvia nagpasalamat kay Maine sa pag-aalaga at pagmamahal kay Arjo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAARAWAN ni Arjo Atayde noong Linggo, November 5 at idaan ni Sylvia Sanchez ang pagbati sa anak sa kanyang social media account. 

Anang aktres, ito ang unang taon na nag-celebrate ang kanyang kongresistang anak na may asawa na at kasama na ang misis na si Maine Mendoza

Sa post ni Sylvia sa kanyang Instagram at Facebook ng pictures at video nila ni Arjo  bago ang kasal kay Maine sa Baguio City noong July 28, sinabi nito kung gaano siya kakaba at naiiyak sa saya dahil sa bagong tatahaking buhay ng kanyang panganay.

 “Tandang tanda ko pa ang araw ng kasal mo. Pagkagising ko pinuntahan kita sa room mo, kabado at naiiyak ako pero sobrang saya ko at kinulit kulit pa kita. Nakita kong ganoon din ang nararamdaman mo, kabado, masaya, at naluluha luha pero kahit pilit mong tinatago sa akin ang tunay mong nararamdaman kitang kita ko yon ‘nak.

“Kaya dali dali kitang pinustahan kung sino unang maiyak sa ating dalawa sa kasal mo… Pero ayaw mong pumusta kasi alam mong matatalo ka. Sadyang nilakihan ko ang pusta ko dahil alam ko mananalo ako. Sayang hindi ka pumusta ‘nak, nanalo sana ako. Hahahaha.”

At sa ika-33 taon na pagdiriwang ng kanyang kaarawan bilang may-asawa na, sinabi ng magaling na aktres kung gaano kasaya ang anak sa piling ni Maine at sa kanyang mga in-law. Pinasalamatan din nito si Maine sa pag-aalaga at pagmamahal dito. 

“Anyway, today is your 1st Birthday na may asawa ka na. Nasa tamang path ka @arjoatayde sa pagiging Anak, Kapatid, Actor, Public Servant at sa pagiging Asawa. 

“Masaya ako para sa’yo at higit sa lahat masaya ako kasi nakikita kong sobrang masaya ka at mahal mo at mahal ka ng mga in-laws mo at sobbbbrang saya mo lalong lalo na sa piling ng asawa mong si Maine. Maine ‘nak, salamat sa pag aalaga at pagmamahal mo kay Arjo. Maligayang kaarawan Juan Carlos Campo Atayde. Love you nak.” 

Pasasalamat naman ang isinagot ni Cong Arjo sa ina.

“Thank you so much ma. I love you so much! Thank you for always being supportive.”

Sa kabilang banda, balik-E.A.T. na si Maine matapos ang matagal-tagal ding bakasyon sa ibang bansa kasama ang asawang si Arjo. Napapanood ang E.A.T. mula Lunes-Sabado sa TV5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …