Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Gutierrez KC Concepcion Asian Persuasion

Int’l movie ni KC ipalalabas sa ‘Pinas; ipareha dapat kay Richard

ILALABAS na rin daw dito sa PIlipinas ang pelikulang ginawa ni KC Concepcion sa abroad, iyong Asian Persuasion. Hindi naman iyon isang malaking pelikula. B movie iyon sa US, kumbaga dito sa atin ay indie, pero dahil kasama nga sa pelikula ni KC magmumukhang malaki iyon oras na ilabas sa PIlipinas dahil sa popularidad ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion

Kung natatandaan ninyo, malakas din naman sa box office ang mga naunang pelikula ni KC, lalo na ang mga pinagtambalan nila noon ni Richard Gutierrez na mainit din ang popularidad noong panahong iyon.

Iyan ang isa pang team up na siguro kung uulitin, magiging hit ding muli sa audience. Naging hit naman si Richard noong itambal nga siya noon kay KC at saka kay Angel Locsin. Pero hindi na nagtuloy-tuloy iyon dahil si KC naman noong mga panahong iyon ay halos walang panahon sa showbusiness dahil nag-aaral pa siya. Si Angel naman biglang lumipat sa ABS-CBN kaya naiwan si Richard sa GMA pero malakas pa rin naman siya hanggang sa magdesisyon nga siyang tumigil muna nang mag-asawa.

Siguro kung ngayon ay gagawa ng isang pelikula sina Richard at KC papatok din nang husto iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …