Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JM de Guzman Kim Chiu Paulo Avelino

JM De Guzman epektibong mang-aagaw: maraming nagagalit sa akin

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI lang si Kim Chiu ang kinamumuhian ng netizens ngayon, maging si JM de Guzman ay marami ang galit sa kanya dahil sa karakter na ginagampanan niya sa Linlang, si Alex isang abogadong kapatid ni Paulo Avelino na nang-agaw ng asawa ng may asawa.

Ayon kay JM nakatatanggap din siya ng mga papuri at the same time batikos at alam niyang marami ang nagagalit sa kanya. ‘Yun bang tipong halos isumpa na rin siya. Pero okey lang sa kanya ito.

“Maraming nagagalit sa akin, maraming nati-trigger doon sa palabas (Linlang) sa nangyayari sa plot. And for me, ‘yung pagkagawa ko niyong role, hindi ako masyado nahirapan sa panlilinlang, kasi na-portray niyong mga co-actor ko ng buong-buo ‘yung mga character nila so, sumasabay na lang ako. Happy naman ako,” sabi ni JM sa thanksgiving presscon ng Linlang

“Si Alex kasi achiever siya. ‘Pag may gusto siyang makamit sa buhay, nakakamit niya. ‘Pag may gusto siya nakukuha niya. Pero sa maling paraan lagi. Sobrang grateful nga na maraming nag-co-comment, nag-fi-feedback at maraming tumatangkilik. And maraming galit sa akin. Maraming napipikon. Maganda talaga ‘yung pagkakasulat ng script kaya susunod na lang ako,” nakangiting esplika pa ni JM.

“At bukod sa maganda siya (istorya), ‘yung kalooban, maraming taglay. Hindi ako nahirapan i-portray ‘yung pagiging masama kasi ‘yung hindi mo makita kay Juliana (Kim) na hindi mo ipaglalaban. Kaya naging mahirap din sa akin, kasi na kay Sylvia (Kaila Estrada) na rin ang lahat. Pero mayroon din kasing issues si Alex. ‘Yung inggit niya sa kapatid niya. Kung anong mayroon ‘yung kapatid niya, gusto niya mayroon din siya. Gusto niya makuha. Kasi mas magaling si Victor kaysa kay Alex.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …