SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
HINDI man personal na kilala ng bidang aktor sa Broken Hearts Trip na si Christian Bables si Anji Salvacion, nakahanap naman ng kakampi ang huli.
Ipinagtanggol kasi ni Christian si Anji laban sa mga namba-bash o nagmamaliit sa kakayahan nito bilang aktres sa Linlang na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Maricel Soriano, JM de Guzman at Paulo Avelino.
Anang award-winning actor sa kanyang post sa X account (dating Twitter), “Dear Anji Salvacion, I am excited for you to unleash the brilliant actress in you. For as long as you admit there’s a huge room for improvement, ok na yun. The rest ingay lang. Please never give up on learning your craft. Meron yan, Anji. I believe in you.
Buong ningning na sinabi ni Christina na sinusubaybayan at nanonood din siya ng Linlang.
“Everything, naniniwala ako, lahat nadadaan sa magandang pananalita. Lagi ko sinasabi may choice. Ang kabutihan po ay choice.
“Nasa sayo kung uunawa ka, magmamahal, kaysa manakit.
“I personally do not know Anji, I am not connected, but I really felt the need to speak up and use my platform to give her words of encouragement.
“Parang hindi kayanin ng konsensya ko madurog dreams ng bata dahil sa hurtful and hateful comments natatanggap araw-araw. When in fact, she can still improve,” ani Christian.
At mensahe niya kay Anji, “Sana na-realize niya hindi pa end ng world as an actress. Ang lahat ay natututunan. Lahat may tamang panahon, but I know deep in my heart, sometime, somewhere, she will be an amazing actress.
“To tell you honestly, kailangan pa niya matuto. I hope and pray she has willingness to act on it and learn there, as well as accept there is still room for improvement.”
Samantala, isa ang pelikulang Broken Hearts Trip sa sampung entries na kasali at mapapanood sa Metro Manila Film Festival 2023 sa December.
Ang pelikula ay ukol sa limang broken hearted members ng LGBTQIA+ na mabibigyan ng pagkakataon na maging ok mula sa pagiging “wasak’ sa pamamagitan ng isang reality show na kukunan sa magagandang tourist spots sa Pilipinas.
Ayon sa direktor nitong si Lemuel Lorca marami silang lugar sa Pilipinas ang pinuntahan tulad ng Kawasan Falls sa Cebu, Ilocos Norte, Mt Banahaw, Lobo Batangas, Laguna at iba pa.
“Marami kaming lugar na pinuntahan at nai-feature. Ang hirap pala mag-shoot kapag ganitong travel pero masaya ang grupo namin kaya nabalewala ang hirap,”
anang direktor.
Bukod kay Christian, kasama rin dito sina Teejay Marquez, Andoy Ranay, Marvin Yap, Jay Gonzaga, Ron Angeles, Argel Saycon, Simon Loresca, Petite, Iyah Mina, Tart Carlos, at Jaclyn Jose. Mula ito sa panulat ni Archie del Mundo at story ni Lex Bonife. Handog ng BMC Films sa pakikipagtulungan ng Smart Films.
“We are grateful and excited for the opportunity to join the prestigious roster of MMFF producers. Our film’s edge is BHT’s emphasis on some of the local tourist spots in the country. As it depicts stories of being loved, heartbroken, picking up the pieces and moving on.
“People want to be entertained. ‘Broken Hearts Trip’ makes you laugh and cry all while taking you to scenic places around the contry. It’s funny, dreamy and brave at the same time,” susog ng mga producers na sina Benjie Cabrera, Omar Tolentino, at Power Up Workpool Inc..
Showing na ang Broken Hearts Trip simula sa December 25.