Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Sharon-Gabby loveteam patok pa rin, pelikulang pagsasamahan tiyak papatok

HATAWAN
ni Ed de Leon

 HINDI maikakailang naging malaking tagumpay ang Dear Heart: The Reunion Concert. At hindi maikakailang naging matagumpay iyon dahil as Sharon-Gabby love team na talagang mahal ng publiko hanggang sa ngayon. 

Nakailang concert na rin naman si Sharon Cuneta sa pareho ring venue, hindi naman siya nag-iisa kundi may ka-back to back din, pero hindi ganoon katindi ang dami ng tao. Bukod doon, nagkaroon pa sila ng repeat sa Okada, na tiyak mas mahal ang tickets, pero puno pa rin. Iyan ang patunay na gusto talaga ng publiko ang kanilang tambalan.

May nagbiro pa nga, “siguro kung magkasama pa sina Sharon at Gabby, kahit na tumakbong presidente ng PIlipinas si Gabby mananalo. Kaso naging president lang naman siya sa tv show, pero naging top rater iyon ha kahit na ang partner lamang niya ay si Sanya Lopez, na dahil doon ay tinatawag na ngayong First Lady ng primetime television.”

Pero ang panalo talaga sa nasabing concert ay si KC Concepcion, hindi lang nagkaroon ng katuparan ang kagustuhan niyang mabuo ang kanyang pamilya kahit na sandalI, dahil nasira ang pamilya nila noong siya ay three years old pa lamang. Panalo rin naman diyan si Sharon, dahil hindi na ganoon kainit ang kanyang popularidad, katunayan nga bagsak ang mga pelikulang ginawa niya nang mag-come back. Masasabi ring medyo mahina na ang batak niya sa publiko na noong matalo para mayor ang kapatid niya sa Pasay na ipinagkampanya niya nang todo. Sabi nga ng marami, noon kasi ay wala na si Mommy Elaine (ina ni Sharon) na siyang nasa likod talaga ang political machinery ng mga Cuneta sa Pasay.

Natalo rin ang asawa niyang si Kiko Pangilinan sa ambisyon niyong maging vice president ng bansa, at sinasabi ng ilan na baka nga kahit na senador ulit ay mahirapan siya. Kung natatandaan ninyo, bago siya naging asawa ni Sharon, kumandidato siyang congressman sa Quezon City at natalo siya. Naging Senador siya nang maging asawa niya si Sharon noong panahon pa ng kasikatan niyon.

Ngayon, hindi rin naman maikakaila na parang insulto kay Kiko  ang reunion concert nina Sharon at Gabby, dahil parang sinasabi ng publiko na mas gusto pa rin nilang kasama ni Sharob ang dati niyang asawa, although hindi na rin naman puwede iyon dahil may asawa na ring  iba at may mga anak na si Gabby, na hindi naman niya iiwan.

Marami ang nagsasabi, siguro para makabalik nang tuluyan si Sharon sa dati niyang popularidad  bilang isang aktres ay  kailangan silang magtambal na muli ni Gabby sa isang pelikula. Talagang nakaka-insulto iyon para kay Kiko, pero kung ang iisipin niya ay pakikinabangan din niya nang husto kung makababalik si Sharon sa dati niyang popularidad, na tiyak namang magagamit niya sa kanyang mga ambisyong political sa mga darating na panahon, hindi na siya aangal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …