SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
MANANATILING Kapamilya si Richard Gutierrez. Kaya naman muli itong pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN noong Huwebes, October 26 bilang hudyat na marami siyang mga nakalinyang proyekto sa 2024.
Dumalo sa contract signing sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, COO of Broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN head of TV Production and Star Magic head Laurenti Dyogi, at ABS-CBN head of finance Rick Tan.
Ayon kay Richard, gusto niyang makatrabaho ang mga award-winning Kapamilya stars na sina JodiSta. Maria at Kim Chiu, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Donny Pangilinan, at Belle Mariano.
“It’s such a big moment and I’m just very happy to be here right now,” nakangiting panimula ni Richard. “I am very thankful and grateful for this blessing. I am happy to be a Kapamilya for many years to come.
“I would like to thank first and foremost the Kapamilyas all over the world. If it’s not for you we won’t be here right now. Salamat sa mga taong sumusuporta sa akin, sa Kapamilya Network.
“Ginagawa po namin ito para sa inyo. Gusto ko rin siyempre pasalamatan ang lahat ng mga nakatrabaho ko from all the directors, producers, writers, co-actors and everyone sa lahat ng production na nakatrabaho ko. Maraming, maraming salamat.
“Dahil sa inyo narating ko kung nasaan man ako ngayon. And of course I would like to thank ABS-CBN for giving me this opportunity, for trusting me once again. I would like to thank all the bosses here with me today, thank you,” sambit ng aktor.
Pinasalamatan din ni Richard ang kanyang pamilya na laging nakasuporta sa kanya.
“I would like to thank my family for the constant support and love of course headed by my mom (Annabelle Rama) right here.”
Iginiit din ni Richard na handang-handa siyang muling magtrabaho at umpisahan agad ang proyektong ibibigay sa kanya. Ito ay isa muling action series. “I am ready to work hard and I am ready to give world-class contents to our Kapamilyas all over the world. That’s why I am here.
“I am ready to work after a few weeks. We have a couple of things lined up. For the teleserye, I think first quarter of next year. I think that’s enough time for preparation, for planning, kasi ang hirap tapatan ng ‘The Iron Heart.’
“To be honest kailangan naming mag-isip ng panibagong konsepto, magandang konsepto at kung paano namin iaangat pa ‘yung level from the ‘Iron Heart’ in terms of action, in terms of storytelling, locations.
“So kailangan talaga ng matinding planning, so first quarter of next year is just the right time,” sambit pa ng aktor.