Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Derrick Monasterio Achilles

Derrick Monasterio pinakamaganda ang costume sa GMA Halloween party

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGKAROON ng Halloween party ang GMA sa isang bar sa BGC, pero hindi kagaya ng mga nakasanayang costumes dito, ang ginawa nila ay mga anime character. Costume party iyon oo pero hindi Halloween. Masasabi mo pa ngang paseksihan lang ang suot ng mga babae.

Ang medyo impressive lang sa tingin namin ay si Derrick Monasterio na naka-warrior costume at dumating pang nakasakay sa kabayo. Matagal na tayong  walang nakikitang ganyan. Noon madalas sa mga pelikula na nakasakay sa kabayo si FPJ. Pero ngayon kahit na ang gumagayang pilit kay FPJ ay hindi mo na makikitang nakasakay sa kabayo.  Hindi na rin lumalaban ng pabilisan ng pagkalabit sa gatilyo, dahil ang dalang baril ay laging armalite na.

Iyon ang isang malaking kaibahan, noon kasi si FPJ ang madalas na hawak ay kalibre .45, ipinakikitang mabilis siyang bumunot ng baril at natatamaan ang kanyang mga kalaban. Eh ngayon wala na iyon eh, tiyak kasing tatamaan ang kalaban dahil sunod-sunod ang putok ng armalite, basta sumablay ka pa roon eh baka masabing “tanga ang baril mo.” Kaya nga hanggang sa ngayon, wala pang nakapapantay o nakagagaya man lang kay FPJ, sa totoo lang.

Wala pang makapag-aambisyong matawag na bagong hari ng pelikula, o kahit na hari-harian lang ng pelikula ay wala. Sino ba ang makapapantay, o makagagaya man lang kay FPJ? Magagamit nila ang pangalan ni FPJ pero hindi nila kayang gayahin.

Mabalik tayo sa Halloween party ng GMA, ewan kung sino ang nakaisip niyan, at mukhang wala na silang maisip na gawin sa kanilang network kundi ang magpa-party. Nagkaroon na sila ng GMA ball na dati ay Star Magic lang ang gumagawa. Ngayon sinundan iyon ng ABS-CBN na mukhang bumongga rin naman, kaya siguro sinundan naman ng Halloween party ng GMA. Isang style ba iyan para mabigyan naman nila ng gagawin maski na paano ang mga star nilang wala nang makuhang assignment dahil sa dami ng kanilang mga Koreanobela at mga seryeng ginagawa ng ABS-CBN?

Lalo pang darami ng drama ng ABS-CBN sa GTV, kasi naagawan sila ng oras ng PBA sa Zoe TV.

At natural tanggapin iyon ng ZOE tv dahil mas maraming nanonood sa PBA kaysa mga drama, at mas kikita sila ng malaki roon.

Gagawa rin ba ng Halloween ang ABS-CBN, o ang gagawin nila ay isa namang Christmas ball? Na ipalalabas din nila sa GTV ng GMA. Ha ha ha ha ha.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …