MA at PA
ni Rommel Placente
SA isang interview ni Piolo Pascual ay sinagot niya na ang napapabalitang nabuntis niya umano si Shaina Magdayao, na sinasabing karelasyon niya.
Tawa lang ng tawa si Piolo habang sinasagot ang tsimis sa kanila ng nakababatang kapatid ni Vina Morales.
Sabi ni Piolo na natatawa, “Siyempre ang daming nagtatawag sa akin. Sabi ko, ‘di ko kayo nasabihan. Sini-secret talaga namin, eh. Ha-hahaha! Know for yourself, ‘di ba? Buti pa kayo alam n’yo,” anang aktor.
Pero inamin naman ng aktor na espesyal pa rin sa puso niya si Shaina. Pero ayaw muna niyang lagyan ng label ang kanilang relasyon.
“Tingnan po natin anong mangyayari. First there is pressure in the family, in the society and she’s good friends with my family.
“She’s always in our celebration. Let’s see. It’s just for now, I’m really busy and It’s just something I don’t have any time for so I don’t wanna be unfair,” aniya pa.
Samantala, isa ang pelikula ni Piolo sa sampung pelikula na nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2023. At mahusay daw dito si Papa P. Pang-Best Actor daw ang akting na ipinamalas ng aktor sa pelikula. Posible nga na siya ang mag-uwi ng Best Actor trophy sa magaganap na awards night ng MMFF.
Well, abangan na lang natin sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2023 kung si Piolo nga ba ang tatanghaling Best Actor? Or baka naman iba ang suwertehing manalo?
Si Christopher de Leon ay may entry din na pelikula sa MMFF 2023, ang When I Met You in Tokyo na silang dalawa ni Vilma Santos ang bida. Alam naman natin na mahusay na aktor si Boyet. Tiyak isa ito sa magiging mahigpit na kalaban ni Papa P sa Best Actor category.