Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Derek Ramsay Ellen Adarna

Derek umamin sinusubukan na nila ni Ellen ang magka-anak

RATED R
ni Rommel Gonzales

EXCITED sina Derek Ramsay at Ellen Adarna na magkaroon ng anak.

Pareho silang may anak sa dati nilang karelasyon, 19 years old na si Austin na anak ni Derek sa dati niyang asawang si Christine Jolly at five years old naman si Elias Modesto na anak nina Ellen at dati nitong karelasyon na si John Lloyd Cruz.

And since two years nang kasal sina Derek at Ellen (sa November 11, 2023) kaya gusto na nilang magkaroon ng anak kaya naman sinusubukan na raw nila.

Kaya kuwento ni Derek, nagpatanggal na si Ellen ng nakakabit sa kanyang matris na intrauterine device o IUD; ang IUD ay birth control device para hindi mabuntis ang isang babae.

Sumusubok na. Sumusubok na. Natanggal na niya ‘yung IUD so we’re trying, so hopefully by the end of the year,” sinabi pa ni Derek sa panayam sa kanya sa 3rd SamLo Cup na celebrity golf tournament ni Samantha Lopez para sa Kids for Jesus Foundation na ginanap sa Wack Wack Golf and Country Club nitong October 17, 2023 a day before ng kaarawan ng aktres.

Project ito nina Samantha at bestfriend niyang si Jessica Guevara-Everingham ng Kids For Jesus Foundation.

Samantala, kinumusta rin kay Derek ang buhay may-asawa.

Nothing has changed in our relationship. We‘re still discovering new things about each other, pero I’m sure I made the right decision,” ang nakangiting wika pa ni Derek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …