Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards Julia Montes Sharon Cuneta

Pelikula ni Alden kina Julia at Sharon tagilid

HATAWAN
ni Ed de Leon

BASE sa reaksiyon ng fans, mayroon sa kanilang natuwa na sa sinabi ni Alden Richards at pag-amin na na-in love rin siya kay Maine Mendoza noong araw at dahil doon mukhang hindi na sila sasama sa boycott ng kanyang mga pelikula. Ganoon pa man, sabi ng aming sources, mas marami pa rin daw ang galit, lalo na’t naungkat na muli ang isang post ni Maine na ni hindi siya pansin ni Alden noong una silang magkaharap sa trabaho. Roon kasi sa kalye serye, hindi naman sila nagkakasama eh. Bale nagkaharap na lang sila roon sa Tamang Panahon Concert at iba siyempre iyon.

Pagkatapos niyon nagkaroon sila ng pictorial na magkasama para sa isang tv project, iyon ang sinasabi ni Maine na una nilang pagtatrabaho nang magkaharap na. Hindi rin siya pansin ni Alden kaya nagtatanong siya, “nasaan na iyong ALDub? Ito na ba iyon?”

Sinasabi ngayon ng iba na dahil sa pagwawalang bahala ni Alden kay Maine kaya iyon biglang nagkaroon ng ibang boyfriend, at iyon na nga ang nakasibak sa AlDub. Noong una ay nakukuha pa ni Alden ang simpatiya ng fans, na sa kanya kumampi dahil lumalabas na iniwan siya ni Maine dahil sa ibang manliligaw. Pero paano nga ngayong lumalabas na kaya nangyari iyon ay dahil sa pagwawalang bahala ni Alden kay Maine? Ngayon naman tila justified sa kanila ang pagkakaroon ng boyfriend ni Maine at ang kanyang pag-aasawa. Tanggap na nila ngayon na may sariling buhay na nga si Maine na tama naman dahil wala na silang magagawa roon. Dapat lang tanggapin na may asawa na iyong legal at hindi na dapat umiral ang kanilang mga ilusyon.

Ang tanong, ano naman kaya ang epekto niyan sa dalawang pelikula ni Alden?  Ang mauunang kasama niya si Julia Montes, at ang kasali sa festival na pelikula nila ni Sharon Cuneta. Maliwanag iyan, hindi na maaaring asahan diyan ang suporta ng AlDub Nation. Eh comeback iyan ni Julia na matagal ding nawala, bale iyan din ang inaasahan ni Sharon na ang mga naunang pelikula ay tumiwarik sa takilya. Sa kasong iyon wala na tayong mahihintay na solid Sharon fans lang, maliban kung makuha niya ang simpatiya ng Sharon-Gabby fans ulit sa kanilang gagawing concert. Kung hindi at ganyan pa ang status ng suporta ng AlDub Nation kay Alden, delikado na. Kaunti lang din naman iyong solo fans ni Alden at ang mas marami talaga ay iyong AlDub nation.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …