Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angela Morena Gold Aceron

Angela Morena inahas, nang-ahas

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

WOMAN empowerment ang hatid na mensahe ng bagong handog na pelikula ng Vivamax at pinagbibidahan ni Angela Morena, ang Ahasss na idinirehe ni Ato Bautista at palabas na simula October 13.

Hindi kataka-takang gandang-ganda si Angela sa pelikula dahil aniya, “Hindi mo alam kung sino ang ahas na tinutukoy sa title. Sa ending doon mo lang malalaman na lahat pala sila ay ahas.

“Ang ganda rin niyong arc ng character ko kasi from being an obedient wife throughout the film, she turns into an assertive woman who realizes she has to love herself more than any other man in her life.”

Ang Ahasss ang magiging mainit, mapusok, at marahas na pinakabagong sexy thriller nina Angela Morena, Janelle Tee, at Gold Aceron.

Itoy ukol sa isang binata na mahuhulog at maaakit sa ganda ng isang babae na tutulungang makalaya mula sa pagmamalupit ng asawa.

Kahit may pagkakataong mabait, nagiging abusado at sadista si Mr. Stonehill kay Adelyne tuwing nakakainom. Tinatawag niya ang asawa kapag may inuman kasama ng mga tauhan at kaibigan tulad ni Agusto (Jao Mapa), isang pulis na nagtratrabaho bilang bodyguard at security ni Mr. Stonehill. Pilit na pinasasayaw at ipinakikita ang ganda ng katawan ni Adelyne, at kapag hindi siya sumunod ay aabusuhin at mamaltratuhin siya.

Isang gabi na naulit ang ganitong insidente ay nilapitan ni Jake si Adelyne para tulungan at alagaan. Dito magsisimulang magkalapit ang dalawa at magkaroon ng mga patago at mapusok na pagkikita.

Pagpaplanuhan nina Adelyne at Jake na patayin si Mr. Stonehill, pero sa paggawa nila nito, hindi nila maiisip kung gaano kalaki, katibay, at kalakas na pader si Mr. Stonehill para na lang basta patumbahin.

Ang Ahasss ay mula kay Ato Bautista, isang award-winning director na kilala  sa paggawa ng mga dark thriller at drama na mga kuwento. Ang mga pelikula niyang Carnivore noong 2008 at ‘Di Natatapos Ang Gabi (The Night Infinite) noong 2010 ay ang mga nagpanalo sa kanya ng Best Director at Lino Brocka Award sa Cinemanila International Film Festival.

Ito rin ang comeback ng The Other Wife star na si Janelle Tee sa Vivamax. Gagampanan niya ang isang mahalagang role na maaaring makabuti o makasira sa pagmamahalan nina Jake at Adelyne.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …