Sunday , April 6 2025
Lalamove

Bilyonarnio nangholdap ng Lalamove rider

NASAKOTE ang isang notoryus na holdaper na nambiktima sa isang lalamove rider matapos maaresto ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si Kyan Bilyonarnio, nahaharap sa kasong robbery (hold-up).

Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Bengie Nalogoc, dakong 3:00 am nang maganap ang insidente sa McArthur Highway corner Victoneta Ave., Brgy. Potrero, ng nasabing lungsod.

Dahil sa labis na pagod, sandaling umidlip ang biktimang si Elmer Siervo, 45 anyos, Lalamove rider ng Block 19 Lot 2 Brgy,  Caboco, Trese Martires, Cavite sa kanyang motorsiklo, nang bigla siyang lapitan ng suspek na armado ng patalim at tinutukan sabay pahayag ng holdap.

Sa pangamba para sa kanyang kaligtasan, hindi na pumalag ang biktima nang sapilitang kinuha ng suspek ang kanyang cellphone na gamit sa pagla-Lamove saka mabilis na tumakas.

Humingi ng tulong ang biktima sa Malabon Police Sub-Station 1 at sa isinagawang follow-up operation, kasama ang mga tanod ng Brgy. Potrero, agad naaresto ang suspek at nakuha sa kanya ang cellphone ni Siervo at dalawang patalim. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

NAGSIMULA ng maganda ang Pilipinas sa Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open …