Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Kelot sinaksak ng kainuman

SUGATAN ang isang kelot matapos tarakan ng kainuman makaraan ang mainitang pagtatalo sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si John Patrick Tuburan alyas JP, residente ng Dulong Herrera,Brgy. Ibaba, ng nasabing siyudad sanhi ng tinamong saksak sa kanang hita.

Patuloy namang hinahanting ng pulisya ang suspek na si Matthew Villaflor alyas Mat-Mat, kalugar ng biktima  na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Batay sa pinagsamang ulat nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Bengie Nalogoc, kapwa may hawak ng kaso, dakong 3:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa SM PLaza, Jacinto, Boundary ng Brgy., Ibaba-Concepcion, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na nag-iinuman ang biktima at ang suspek, kasama ang kanilang mga kaibigan sa nasabing lugar hanggang sa malasing si Villaflor at magsuka.

Isa sa kanilang mga kaibigan ang tumapik sa kanyang leeg subalit, sa hindi malaman na dahilan ay ang biktima ang kinompronta ng suspek na naging dahilan ng kanilang mainitang pagtatalo hanggang sa magsuntukan ang mga ito.

Gayunman, naglabas ang suspek ng patalim at inundayan ng saksak ang biktima bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ng mga bystander sa naturang pagamutan si Tuburan.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng insidente ng rumespondeng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 6 ang ginamit na armas. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …