Friday , November 15 2024
Greenzone Park phase 3 Navotas

Greenzone Park phase 3 sa Navotas pinasinayaan

MAS marami na ngayong bukas na espasyo ang magagamit na pasyalan at libangan ng mga pamilyang Navoteño kasunod ng inagurasyon ng Navotas Greenzone Park Phase 3 na isa sa mga Adopt-a-Park projects ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, kasama si Atty. Romando Artes, acting MMDA chairperson ang inagurasyon at pagbabasbas ng parke na matatagpuan R10, Brgy. North Bay Blvd. North.

“Despite the very limited land area in our city, we strive to provide Navoteños with parks and open spaces where they could safely relax and enjoy with their families. 

We are fortunate to have partners, like MMDA, in making this possible,” ani Mayor Tiangco.

“MMDA has also pledged to develop the adjacent open spaces. 

We hope to inaugurate these areas in the near future,” dagdag niya.

Pinaalalahanan naman ni Congressman Tiangco ang mga nasasakupan na gawin ang kanilang bahagi sa pagpapanatili ng kalinisan at pagpapanatili ng mga halamanan sa parke.

“We ask the cooperation of everyone in keeping our parks and other public venues clean. Most of the trees here were planted in the year 2000.  It just shows that if we take care of them, they will continue to flourish and even our children’s children will be able to enjoy them,” pahayag niya.

Dumalo rin sa seremonya ang mga miyembro ng Navotas City Council; barangay officials; Director Francisco Martinez ng MMDA Health, Public Safety and Environmental Protection Office; and Director Sharon M. Gentalian ng MMDA Public Affairs Staff-Public Information Office.

Ang una at ikalwang phase ng Navotas Greenzone Park ay natapos noong 2021 at 2022, respectively. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …