Friday , November 15 2024
Ricardo Cepeda

Ricardo Cepeda, inaresto ng QCPD sa kasong syndicated estafa

INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang kilalang aktor sa kasong syndicated estafa, nitong Oktubre 7, 2023, sa Caloocan City.

Sa ulat kay QCPD Director, PBrig. Redrico Maranan mula kay PMaj. Don Don Llapitan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit  (CIDU) ang nadakip ay nakilalang si Ricardo Cepeda (screen name), habang ang tunay na pangakan ay Richard Cesar Go, 58, at residente ng San Antonio St., Pasig City.

Ayon kay Llapitan, si Go ay dinakip dakong 11:00 ng umaga nitong nakaraang Sabado sa 101, Mabini St, Maypajo, Caloocan City. Siya ay inaresto sabi ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Gemma P Bucayu-Madrid, Executive Judge ng Branch 12, Regional Trial Court (RTC) Sanchez Mira, Cagayan.

Ayon kay Llapitan, nakatakda nila ipaalam sa nabanggit na korte ang pagkakaaresto kay Go.

“Patuloy din po ang inyong kapulisan sa paghahanap sa mga wanted persons para ma siguro ang kaligtasan ng bawat isang mamamayan,”  pahayag ni Maranan. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …