Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Timmy Cruz

Timmy Cruz balik-acting at singing

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ANG ganda ng vibe sa album launch ng nagbabalik sa eksenang si Timmy Cruz.

Oo. Siya ang nagpasikat ng awiting Boy o I Love You Boy noong Dekada Otsenta (1987 siya nagsimula). At sumalang din sa mga programa ng Master Showman at sa mga pelikulang karamihan ay sa Viva Films. Pati na sa mga serye.

Nawala sa eksena si Timmy, nang kinailangan niyang mas bigyang pansin ang 

 kalusugan.

Habang nakasalang siya sa isang taping, sa isang ospital, naisipan niyang mag-schedule ng check-up.

At doon na nga naiba ang ikot ng buhay niya.

Natuklasan na may mass in her breast. She had to battle the Big C. Breast Cancer.

Pero sabi ni Timmy, hindi naman niya kinailangan to undergo chemotherapy. 

Positive mindset. Being part of Brahma Kumaris. At tuloy-tuloy lang sa nagsimula niyang paniwalaan noong batang paslit pa lang siya. Na hindi siya kakain ng maski na anong hayop na may buhay at may dugo. Kahit pa isda ‘yan.

So, malaking tulong ang pagiging vegetarian niya sa niyakap na buhay. At tanging mga kapatid niya ang nagbibigay ng malaking suporta sa kanya.

Still enjoying the single life.

Pero ngayong nagbabalik na siya sa showbiz, ang focus niya ay sa muling pagkanta at pag-arte at ang bago niyang pinag-aralang pagsasayaw.

May treat si Timmy sa media nang ilunsad ang kanyang All I Want Is You na streaming na ngayon sa lahat ng platforms like Spotify.

Early Christmas gift. Limang kanta. Na kagigiliwang pakinggan ng madla.

Sa ilalim ng Christmas tree sa Nautilus Bar ng Prime Hotel, may munting regalo si Timmy sa bawat dumalo. An easel na may nakalagay na “My Happy Place.”

For Timmy, ang showbiz pa rin ang kanyang happy place. At nagpapasalamat siya na matapos na maalagaan ni Tita Angge, si Rams David naman ng Artist Circle ang gigiya sa kanyang karera.

Umiikot nga lang naman ang gulong ng buhay. With Timmy, punompuno ng positive vibes ang  kanyang nilalakbay sa kasalukuyan.

Bakit ganoon? Shaking her hand. Naroon ang warmth. Listening to her songs, naroon ang kakaibang vibe. Kapag nagsasalita siya, it’s as if Shangrila beckons!

Ganda! Listen na kayo and feel the vibe of a singer na maitatangi pa rin sa mga nakasanayan na nating pakinggan. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …