Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maxine Medina Timmy Llana Iza Calzado Ben Wintle

Magarbong kasal nina Maxine at Timmy gagawin sa Club Paradise, Palawan

ISASARAang isang mamahalin at napakagandang resort sa Coron, Palawan sa Oktubre 10, ang Club Paradise dahil gagawin ang magarbo at pangarap na beach wedding ng dating beauty queen na si Maxine Medinasa kanyang diving instructor partner na si Timmy Llana.

Bago ito’y ikinasal na noong October 3 sa  Immaculate Heart of Mary Church sa Daang Bakal Road, Antipolo City sina Maxine at Timmy. Si Rev. Fr. Aniceto Abiera ang nag-officiate ng kanilang church wedding.

Sa Kalinaw Private Resort naman sa Buliran Road, Antipolo ginawa ang reception.

Very intimate lang ang nangyaring church wedding nina Maxine at Timmy na dinaluhan ng kanilang mga pamilya at ilang malalapit na kamag-anak dahil may isang malaking kasalan pang magaganap sa Oct 10.

Ang Club Paradise ay kilala sa mga big wedding event at ideal talaga sa mga beach wedding by the beachfront na habang nagpapalitan ng ‘I do’s’ ay kasabay na maririnig ang paghampas ng l alon at paglubog ng araw na siyang magiging backdrop ng ikinakasal.

Sa nakuha naming impormasyon, umaabot sa P1-M ang pinakamahal na wedding package sa Club Paradise na ang kasama lang dito ay styling, reception and ceremony at kung may mga gusto pa at ka-extravagant ay maaari namang magdagdag.

Umaabot naman sa P400k to P600k ang pinakamurang wedding package.

Sa mga presyong nabanggit hindi pa kasama ang accomodation. Kayang mag-accomodate ng 235 visitors ang Club Paradise at may 74 rooms na good for 4 and 2 pax.

Napag-alaman naming aabot sa 100 plus ang mga bisita at sasaksi sa 2nd wedding nina Maxine at Timmy. Malayong-malayo sa church wedding na naganap noong Oktubre 3 na tanging mga magulang ng babae at lalaki, tatlong ninong at walang ninang, abay, flower girl at ring bearer sa church wedding ng dalawa.

Noong 2022 naganap ang romantic wedding proposal ni Timmy habang nagbabakasyon sila sa Club Paradise resort sa Coron, Palawan.

Inaasahang dadalo ang kani-kanilang mga kaibigan, kabilang na ang mga kapwa beauty queen ni Maxine sa beach wedding. 

Nagpakasal muna sa simbahan sina Maxine at Timmy dahil na rin sa request ng nanay ng dating beauty queen.

Kasi ‘yung beach talaga is our dream wedding, but, as a sign of respect to our parents they wanted it sa church,”sabi ni Maxine sa isang panayam.

Taong 2018 naging magdyowa sina Maxine at Timmy. 

Sa kabilang banda sa Club Paradise rin naganap ang kasalang Iza Calzado-Ben Wintle;  Ritz Azul-Allan Guy. 

Sa ganda ng Club Paradise hindi nakapagtataka na napakarami ang nagpapa-book para roon ikasal. Ngayong taon 24 weddings ang naganap at next year ay may 27 na ang naka-book. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …