Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arlene Damot

Panlaban ng ‘Pinas na si Arlene Damot susubukang sungkitin korona sa Mrs Universe 2023

RATED R
ni Rommel Gonzales

APATNAPU’T ANIM na taon na ang Mrs. Universe pero ni minsan ay hindi pa nanalo ang Pilipinas sa international beauty pageant.

At ngayong 2023, ang kandidata kaya nating si Arlene Cris Damot na ang unang Pinay na makasusungkit ng korona bilang Mrs. Universe?

May mister na Malaysian at dalawang anak na lalaki si Arlene.

Nababalanse naman ni Arlene ang pagiging isang beauty queen, asawa, ina ng dalawang anak na lalaki, at pagiging businesswoman.

Balance…time management talaga, of course family na muna talaga, ‘di ba, that’s our priority.

“And then for being an entrepreneur and then a mom and a beauty queen as well, time management talaga is very important,” ani Arlene.

Pagmamay-ari nina Arlene at asawa ang Royal Aesthetics Clinic na binuksan noong 2018 at may anim na branches na ngayon sa buong Pilipinas; sa Multinational Village sa Paranaque, Bacoor, Cavite, SM Imus, SM North, SM Las Pinas, at SM Baliuag, sa Bulacan.

May Professional Certificate in Advanced Aesthetics si Arlene mula sa prestihiyosong EIU sa Paris, France at isang Medical Aesthetics Certified ng International Academy of Aesthetics Sciences.

Nagsimula ang medical field journey ni Arlene sa pagiging isang certified board passer na registered Nurse hanggang sa pagpapakadalubhasa niya sa general surgery, otolaryngology at dermatology sa Global Doctors Malaysia.

Aktibong member si Arlene ng Association of Dermatology & Aesthetic Nurses of the Philippines, isang true professional ito sa Advance Aesthetics na certified ng European International University sa Paris at kasalukuyang tinatapos ang kanyang Doctor of Medicine degree.

Gaganapin ang Mrs. Universe 2023 grand coronation night sa October 8 sa Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts Manila sa Pasay City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …