SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
TINIYAK ni Richard Gutierrez na manggugulat at pasabog pa rin ang mapapanood ng mga tagasubaybay ng kanilang action-drama na The Iron Heartsa tatlong linggong natitirang pagpapalabas nito.
Mula nang simulang ipalabas ang The Iron Heart talaga namang pinag-usapan na ito dahil sa mga makapigil-hiningang eksena lalo na kapag naghaharap sina Richard at Jake Cuenca.
Kaya nga ang dapat na isang season lang ay nasundan pa ng ikalawa at hinuhulaang baka madagdagan pa. Mataas din kasi ang ratings nito sa totoo lang kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ng mga bida nito.
“Sobrang nakatutuwa kasi we really started talaga from ano, we have a humble start, parang sa tuwing makikita ko na may post na tumaas ang ratings namin nakaka-proud kasi we really work hard for this talaga. Sabi ko nga we’re so proud sa show na tumagal siya ng ganito. Everytime I see the views, everytime I step outside and people called me Eros I’m always grateful and thankful for this project.
“This is one of a lifetime experience, I’ve got so much fun doing this, thank you po,” sabi ni Jake sa presscon kamakailan.
“We’re very happy, we’re very proud na tumagal ng ganito katagal ang ‘The Iron Heart’ and until now patuloy pa rin ang pagtaas ng ratings, patuloy pa rin ang pagsubaybay ng mga tao at parang lalo pang tumataas ang ratings ngayon kaya baka itong presscon naming ito is to announce na magkakaroon ng season 3,” na ikinapalakpak naman ng mga kasamahan ni Richard pagkasabi niya nito.
“Joke. Hindi po magpapahinga muna kami,” ngiting bawi nito. “We’re very proud and humbled sa project na ito like what Jake said we started against all odds and yet andito kami ina-announce namin ang finale namin after one year of doing this project and tumataas pa talaga ang ratings and views. Kaya maraming-maraming salamat sa suporta ng lahat ng manonood natin, sa suporta ng media, support ng ABS-CBN, Star Creatives and I want to congratulate everybody, ang mga kasama kong artista, productions and of course my directors and producers, we work hard on this and we’re happy to announce that we’re ending Iron Heart on high note! We’re very happy,” giit naman ni Richard.
Sa mga makapigil-hiningang aksiyony ginagawa ni Richard, sinasabing ito ang pinaka-best ng aktor kaya naiintindihan namin siya nang sabihing hinding-hindi niya makalilimutab ang lahat ng challenges na hinarap at ginawa niya sa dalawang season ng programa.
“I can consider this as my best action project. Through the years, ‘yung mga past action series ko built me up to where I am now and to know what I know.
“Lahat ‘yun siyempre ‘di ko makalilimutan, lahat ng action projects ko. It prepared me to be where I am now. Nag-culminate lahat ng experiences ko so far dito sa ‘Iron Heart’ in terms of creating an action and telling a story through action,” anang aktor.
Kaya naman hindi maiaalis na maikompara si Richard kay James Bond.
“Siyempre nakatutuwa nako-compare tayo sa international pero ang objective namin talaga rito is to tell our own story and create a different flavor of action for Filipinos all over the world, to show we can be proud of, na kaya rin ng Pinoy gumawa ng ganitong klase.
“We were pressed for time. Ang daming challenges but yet ibinigay namin ‘yung best namin,” sambit pa ni Chard.
At sa request na season 3 sinabi ni Richard na, “Even ‘yung mga character, marami pang pwedeng puntahan. We’ll see if it’s feasible to do. But definitely, we will take a break.
“Exhausting physically, mentally, we don’t want the show to suffer. Ayaw namin hintayin na ‘yung mga audience natin gusto na matapos ‘yung show. Gusto namin tatapusin namin ‘yung show while everybody is happy pa sa show. Nag-decide kami to end strong.”
Kaya sa 3 linggong natitira pakatutukan at huwag bibitaw sa nalalapit na pagtatapos ng The Iron Heart na idinidirehe nina Richard Arellano at Lester Pimentel Ong.