Friday , November 15 2024

Kahit na-hacked
Serbisyo ng PhilHealth tuloy

INIANUNSIYO kahapon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na patuloy pa rin ang kanilang operasyon, mga transaksiyon at claim sa pamamagitan ng over the counter method ng kanilang sangay sa Mother Ignacia, Quezon City.

Ito ay matapos ma-infect ng Medusa ransomware ang mga sistema ng state health insurer na Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) nitong 22 Setyembre

Nabatid na humiling ng $300,000 o P16 milyon ang mga cyberhacker, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Una nang kinompirma ng DICT, may impormasyon na sila tungkol sa grupong nasa likod ng cyber attack sa PhilHealth.

Binanggit ni DICT Undersecretary Jeffrey Dy, kilala na umano nila ang nasa likod ng pag-hack ng impormasyon ng PhilHealth at ang nagde-demand ng ransom kapalit nito.

Gayonman, ayon kay Dy, hindi pa umano nila ito masasampahan ng kaso dahil kailangan ma-identify muna ang pangalan ng hackers.

Kasabay nito, pinuri ng DICT ang PhilHealth sa agarang pag-turn off sa online access at sa coordination nito sa National Computer Emergency ng DICT.

Babala ng DICT, maaaring gamitin ng hackers ang mga nakuhang impormasyon para sindakin ang publiko at makuha nila ang hinihinging ransom.

Pinapayohan ang mga miyembro at ang kanilang mga dependent na magpakita ng kopya ng kanilang PhilHealth identification card, member data record, o iba pang mga sumusuportang dokumento upang ma-access ang mga benepisyong pangkalusugan sa gitna ng pansamantalang pagsasara ng online system nito. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …