Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
00 Onins Thought Niño Aclan Logo

SIM card registration law ‘di kinatakutan ng scammers

ONIN’s THOUGHTS
ni Niño Aclan

MUKHANG hindi natakot ang mga scammer sa SIM card registration law na may kaakibat na parusa.

Sa kabila ng umiiral na batas, at tapos na ang deadline para sa pagpaparehistro ng SIM card ay naglipana pa rin ang mga scammer sa mga text messages sa mga numerong nakarehistro na.

Ang tanong tuloy, totoo bang na-deactivate ng pamahalaan ang mga SIM card na hindi nagparehistro ang may-ari o paano namang nagagawang makapagparehistro umano ng mga SIM card gamit ang mga larawan ng hayop, halaman, o kahit anong bagay.

Akala natin mahigpit ang pamahalaan, mukha tuloy walang ngipin ang naturang batas at tila hindi natatakot ang mga scammer o sadyang may mga kasabwat sa mga higanteng telco companies?

Empleyado ng senado nakatikim

ng pang-iinsulto mula sa isang

director nang dahil sa Hermes bag

HALOS lunukin na lamang ang laway ng isang empleyado ng senado ang pangmamata o pang-iinsultong dinanas mula sa isang direktor.

Batay sa kuwento ng ating bubuwit habang magkasabay na naglalakad ang dalawa ay biglang sinabi ng direktor sa empleyado: “O hayan hawakan mo ang bag ko nang makaranas ka man lang na makahawak ng Hermes na bag.”

Sa gulat ng empleyado ay hinawakan naman niya at ito rin ang dahilan kaya siya nai-promote ng direktor sa ibang puwesto sa takot na baka ikalat ang pang-iinsulto sa empleyado.

Ang naturang direktor ay tila may ‘magic wand’ na gustong magpuno o magpasok ng mga ‘bata’ niya sa mga bakantaeng puwesto ngayon  sa senado, babagay na hindi ubra sa union at kasalukuyang senate seceretary.

Onin, mukhang natutulog ka sa pansitan? Hindi mo kapado kung ganoon kalakas si director? Parang biglang gusto yatang maging boss sa senado, daig pa ang Senate President.

Sino bang mataas na opisyal ng gobyerno ang kinakapitan niyan?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …