ONIN’s THOUGHTS
ni Niño Aclan
MAHALAGA para sa isang ahensiya ng pamahalaan ang pagkakaroon ng tinatawag na confidential at intelligence funds kung ito ay gagamitin nang tama ng ahensiyang mapagkakalooban.
Bakit ‘ika n’yo mahalaga ito? Dahil makatutulong ito upang matukoy ang mga nagbabalak at gumagawa ng ilegal na gawain na isang ahensiya katulad ng ilegal na droga.
Ngunit hindi rin maitatago na ito’y maaaring pagsimulan ng korupsiyon lalo na’t hindi ito sasailalim sa audit o bubusisiin ng Commission on Audit (COA) dahil sa usapin ng confidentiality ‘ika nga madali lang gawan ng report o ulat kung paano ito ginastos.
Sa totoo, para sa ilan, maaaring pagsasayang ito ng pera kung ang mapupuntahang ahensiya ay hindi naman ito kailangan at hindi ginagamit nang tama ngunit para sa ahensiyang kapaki-pakinabang katulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ay mahalaga ito at kapakipa-kinabang.
Kaya sana ngayong tinatalakay ng mga mambabatas ang 2024 proposed national budget ng pamahalaan ay busisiing mabuti kung kailangan ba ng isang ahensiyang nanghihingi ng kanilang confidential at intelligence funds, kung hindi, huwag pagbigyan o i-realign kung kailangan upang dagdagan ang ibang ahensiyang nangangailang nito.
Ano sa palagay mo Onin? Sabi ni Senator Robin: “Hindi ako mapalagay!”