Friday , November 15 2024
Aiko Melendez

Konsi Aiko nanawagan sa mga mambabatas dagdag na budget sa pabahay

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINIKAYAT ni Aiko Melendez ang Kongreso na dagdagan ang alokasyon para sa pabahay sa 2024 pambansang badyet.

Sa kasalukuyan, may kakulangang 4,347 bahay sa lungsod, kaya naman hinikayat ng chairman ng Committee on Subdivision, Housing, and Real Estate, ang Kongreso na maglaan ng mas malaking bahagi mula sa iminungkahing P5.768 trillion na pambansang badyet para sa 2024 sa sektor ng pabahay na pinangungunahan ng Department of Human Settlements and Urban Development.

Ang Quezon City, na kilala bilang pinakamalaking lungsod sa Pilipinas, ay tahanan ng milyon-milyong residente, at ang abot-kayang pabahay ay patuloy na isang malaking isyu para sa marami, ayon kay Aiko.

Sa datos, napakalaki ng kakulangan sa pabahay sa Quezon City na aabot sa 4,347.

Sa libo-libong pamilyang nangangailangan ng angkop na tirahan, napakahalaga para sa lokal at pambansang pamahalaan na magkaisa sa pagbibigay ng matibay na bubong sa mga ulo ng ating mga kapwa Filipinong mas nangangailangan,” ani Konsi Aiko.

Kaya’t hiniling ng konsehal ang tulong ng Kongreso para makapagbigay ng kinakailangang tulong sa mga nangangailangan ng abot-kayang pabahay sa Quezon City.

Sinabi pa ng konsehal na ang dagdag na alokasyon sa badyet para sa sektor ng pabahay sa 2024 national budget ay makatutulong ng malaki sa pagtugon sa krisis na ito hindi lamang sa Quezon City kundi sa buong bansa.

Pinuri ni konsi Aiko ang mga hakbang na isinasagawa ng lungsod sa sektor ng pabahay sa pamamagitan ng mga pagsisikap ni Mayor Joy Belmonte, subalit batid niya na marami pa ring gawain ang kailangang tapusin para masolusyonan ang problema sa pabahay ng kanyang mga nasasakupan.

Mula Hulyo 2022 hanggang Hunyo 2023, 183 pabahay ang naitayo bilang bahagi ng iba’t ibang proyekto sa lungsod sa pangunguna ni Belmonte.

Sa kasalukuyan, ang Quezon City ay aktibong nagtatrabaho sa limang proyekto ng pabahay sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Belmonte: Gulod Community 2 at 3, Sauyo, San Agustin, at Bagong Silangan.

Layunin ng mga proyektong ito na dagdagan ang 184 na yunit ng pabahay sa imbentaryo ng lungsod.

Kailangan natin ng mas malaking badyet para mapabilis ang pagpapagawa ng karagdagang bahay at matugunan ang patuloy na tumataas na pangangailangan sa pabahay sa lungsod. Ako’y nananawagan sa ating mga mambabatas at sa departamento ng pabahay na gawing prioridad ang mga proyekto ng pabahay sa Quezon City,” ani Konsehal Melendez.

Bilang mga lingkod-bayan, tungkulin natin na tiyakin na bawat pamilya ay may lugar na matatawag nilang tahanan,” pagtatapos ng konsehala.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …