Wednesday , May 22 2024
Vice Ganda Juan Ponce Enrile

Vice Ganda kinastigo ni Enrile

HATAWAN
ni Ed de Leon

BASTOS ka, napakabastos na tao mo,” ang comment ni Chief presidential legal counsel Juan Ponce Enrile sa komedyanteng si Vice Ganda

Ang comment ay may kinalaman sa pagsubo nila ng boyfriend niyang si Ion Perez ng kanilang daliri habang nagpapakita ng may kahulugang facial expression. Nasabi rin iyon ni JPE dahil sa iba pang violation ng kanilang show, maliban sa pagaubo ni Vice ng kanyang daliri na may icing.          

May ibang tao naman na nagsasabing hindi bastos iyon sa tingin nila, at ano raw kung nakikita ng mga bata, wala pa namang malisya ang mga iyon at lalong hindi nila maiisip na hindi maganda iyon. Na para bang sinasabing ang nagsasabi niyon ay siyang may bastos na pag-iisip at hindi si Vice.

Ang aming opinion sa mga bagay na iyan, mukhang nasanay nga yata si Vice sa pinanggalingan niyang mga comedy bar na ang mga ganoong bastusan ay click. Hindi niya naiisip na nagpe-perform siya sa harap ng camera na libong tao ang nakakapanood sa kanya at hindi ang iilang nag-iinuman at lasing na sa isang comedy bar.

About Ed de Leon

Check Also

My Bae-Bi Boss Mar Soriano Mommy Dora Vincent Marcelo at June Mavaja

Mommy Dora bilib sa husay magdirehe ni Elsa Droga

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang actor & host na si Mar Soriano aka Mommy Dora sa kanyang bagong proyektong …

Wize Estabillo

Bidaman Wize Estabillo pupunta ng Japan para sa PhilExpo 2024

MATABILni John Fontanilla MUKHANG sinusuwerte ang Kapamilya actor & It’s Showtime host na si Wize Estabillo dahil bukod sa …

Piolo Pascual Vince Tañada Ricky Lee Himala The Musical

Piolo napiling gumanap na Orly sa Himala: The Musical

HARD TALKni Pilar Mateo BLOODY, gory and gruesome. Ito ang pagsasalarawan ng nagtatag ng  Philstagers Productions na …

TEAM muling magbibigay-tulong sa Child Haus

TEAM muling magbibigay-tulong sa Child Haus

HARD TALKni Pilar Mateo INIHALAL na ng bagong sibol na grupo ng media practitioners ng …

Andrea Brillantes Kyle Echarri Glenda dela Cruz

Andrea, Kyle, Brilliant Skin Essentials nagpasaya sa Bora

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISANG Summer event ang isinagawa ng Brilliant Skin Essentials sa Boracay Island …