Tuesday , August 12 2025
Kapuso Mo, Jessica Soho KMJS

KMJS ni Jessica nominado sa 2023 Asia Contents Awards & Global OTT Awards

RATED R
ni Rommel Gonzales

MULI na namang itataas ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang bandera ng Pilipinas sa international scene. Nominado kasi ang KMJS sa 2023 Asia Contents Awards & Global OTT Awards para sa Sugat ng Pangungulilastory sa kategoryang Best Reality and Variety. 

Ito rin ang kuwentong nag-uwi ng Gold World Medal sa 2023 New York Festivals. 

Bongga ng KMJS dahil ito lamang ang Philippine nominee sa nasabing category. Kapwa nominado ng KMJS sa kategoryang ito ang mga programa mula sa Korea at Vietnam. Sa Oktubre iaanunsiyo ang winners at gaganapin ito sa Busan, Korea.

Sa online, nananatili ang KMJS na most followed Philippine TV program sa Facebook. Pumalo na nga sa 30million ang followers ng programa sa nasabing social media platform. 

Dasurv naman talaga ng KMJS ang mga award at milyon-milyon nitong followers. Tuwing Linggo, pinagbubuklod nito ang pamilyang Filipino para sa mga kuwentong talaga namang very entertaining, inspiring, at educational. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MTRCB

MTRCB nakapagribyu ng mahigit 11,000 materyal nitong Hulyo 2025

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ALINSUNOD sa mandatong itaguyod ang responsableng panonood at matiyak ang …

Richard Quan How To Get Away From My Toxic Family

Richard Quan, ratsada sa sunod-sunod na projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD ngayon ang veteran actor na si Richard Quan sa …

Bela Padilla JC Santos Kyle Echarri 2

Kyle pressured sa pag-entra sa loveteam nina JC at Bela

NAG-HIT ang pelikulang minahal ng mga manonood, ang 100 Tula Para Kay Stella. Makalipas ang walong …

Sid Lucero Bea Binene PostHouse Mikhail Red

Sid at Bea haharapin halimaw ng mga sarili

INIHAHANDOG  ng Viva Films at Evolve Studios ang pinakaunang full-length film ni Nikolas Red, kasama ang kapatid na si Mikhail Red bilang creative …

Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at …