Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeri Violago Jose Mari Chan Vehnee Saturno

Baguhang singer na si Jeri Violago 3-tier ang kontrata sa Star Music—artist, composer, producer

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

WALANG mali sa sinabi ni Jose Mari Chan.”

Ito ang tinuran ng magaling na kompositor na si Vehnee Saturno sa inihayag kamakailan ng tinaguriang Father of Philippine Christmas Music, si Jose Mari Chan.

Sinabi kasi ni Jose Mari nang mag-guest ito sa show ni Kuya Boy na, hindi maasahang kikita kung mananatiling isang musikero.

Sinabi pa ng singer/songwriter na sa panahon ngayon na wala nang naibebentang CDs, dahil sa mga online platforms na pinatutugtog ang kanilang mga musika tulad ng spotify at iba pa, hindi na ganoon kaganda ang kita.

Wala namang mali sa sinabi niya (Jose Mari). Siguro, ‘yung area lang na sinabi niya walang assurance na makabubuhay ng pamilya. Kailangan, you have another (pagkakakitaan), yung mag-aral ka ng medicine o mag-aral ka ng pagka-lawyer.

“Tama naman in a way. Pero siguro, medyo hindi lang ganoon ka-sweet ‘yung pag-deliver ni Joe. Pero wala naman, hindi ko naman nakikitang offensive,” pagtatanggol ni Vehnee sa kapwa niya musikero.

Sinabi pa ni Vehnee na kahit saang propesyon, kung hindi talaga magiging matagumpay wala ring mangyayari.

Ako lang ang masasabi ko, ituloy lang. Pero kung in the long run wala namang nangyayari sa ‘yo… kahit sa anong profession kung wala naman talagang nangyayari sa ‘yo, siguro mag-isip ka rin kung saan ka mag-switch, kung saang mas komportable ka,” sabi pa ni Mr Vehnee.

Para naman sa batambatang singer na sumusulat din ng kanta hindi niya naisip ang ganoon dahil gusto talaga niyang maging singer ay kompositor.

Si Jeri ay isa sa mga bagong tuklas ni Vehnee at nasabi niyang malaki ang potensiyal na maging matagumpay ang 23 year old singer sa pinasok na career.

Sa contract signing ni Jeri, sinabi nitong. “For me naman, ever since I was young, I wished to become a singer, an artist. So, it wasn’t naman difficult decision.”

Nasabi pa nitong family friend nila si Jose Mari at tiyak niyang kung magpupursige ang isang indibidwal magtatagumpay ito.

Si Jeri ay hindi lang kumakanta kundi nagsusulat din ng mga kanta at desidido siyang mapagtagumpayan ang piniling propesyon lalo’t ipinagpalit niya ang negosyo ng kanyang mga magulang sa piniling propesyon.

I think, it really depends on where you coming from, and ‘yung context.

“Of course si Sir Jose Mari Chan is already established.

“He has a lot of exposures, a lot of endorsements, a lot of brand deals. it’s not just music, he has also different businesses.

“I think, if you really passionate about something, and if you see yourself really becoming something in the future. If you really believe in yourself, and if you have a healthy environment around you, a support group a support system, my family, my manager, and of course the writers as well, I think it is something that you can pursue,” sabi pa ni Jeri.

Pumirma si Jeri ng 3-tier contract sa Star Music, ang music production arm ng ABS-CBN.

Noong 2022 pumirma si Jeri ng magkahiwalay na kontrata sa Star Music sa iba’t ibang kapasidad bilang isang artist, kompositor, at record producer na sa tagal namin sa pagco-cover sa music ay hindi iniaalok o iilan lamang ang binibigyan nila ng pagkakataon na ganito.

Kaya napakasuwerte ni Jeri sa ibinigay na pagkakataon ng Star Music. Kasama pa ang dalawang kantang komposisyon ni Vehnee, ang Gusto Kita at Hindi Ka Nag-iisa.

Ang ‘Hindi Ka Mag-iisa’ ay isang ballad, pangharana. But I was able to change and make it a little upbeat. While ‘Gusto Kita’ is the opposite, Mas R&B ang tunog, mas slow and vibey at may kaunting bounce,”paglalarawan ni Jeri sa kanyang 2 kanta.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …