Friday , November 15 2024
shabu drug arrest

Padyak driver huli sa ilegal na droga

NAGWAKAS ang pamamayagpag sa pagtutulak ng ilegal na droga ng isang pedicab driver matapos bentahan ng shabu ang isang pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang suspek na si Ponciano Bolito, alyas Waray, 37 anyos, pusher/listed, residente sa Takino St., Brgy. Bangkulasi.

               Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng  Station Drug Enforement Unit (SDEU) ng Navotas police hinggil sa sinabing pamamayagpag ng suspek sa pagbebenta ng shabu at front umano ang pagiging pedicab driver kaya isinailalim sa validation.

               Nang makompirma ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt. Genere Sanchez ang buybust operation at sa pamamagitan ng isang undercover police ay nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P500 halaga ng shabu.

               Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto si Bolito, dakong 3:05 ng madaling araw sa sa Gurami St., Brgy. NBBS Kaunlaran.

               Nakompiska sa suspek ang limang transparent plastic sachets na naglalaman ng halos 4.1 grams hinihinalang shabu, tinatayang may standard drug price value na P27,880, at P500 bill na ginamit bilang buybust money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …