Saturday , November 16 2024
00 Onins Thought Niño Aclan Logo

Pansinin ang iba, ‘wag lang ang isa

ONIN’s THOUGHTS
ni Niño Aclan

AGREE tayo sa mga nilalaman ng bukas na liham na inilabas ni Rodolfo “Ka RJ” Javellana, presidente ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC), sa kanilang FB Page.

May malaking konsiderasyon ang apela ni Javellana at ng UFCC kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez.

Sabi nga ni Javellana, “Palawakin ang sakop ng inyo pong malasakit.” (Uy Magandang slogan ‘yan…)

Patungkol ito sa problemang flight delays at cancellations. Noong buwan ng Hunyo, Cebu Pacific lang ang nakita ni Cong. Rodriguez sa problemang ito. Nagkaroon pa ng Senate hearing tungkol dito.

Pero para kay OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino, ang problemang ito ay nangyayari sa lahat ng airlines, hindi lang sa isa. Naghain si Magsino ng panukala sa kamara na imbestigahan ang lahat ng airlines at magkaroon din ng review ng buong aviation industry.

Mantakin ninyo, sa rami ng mga kababayan natin nakakaranas nang ganito, ngayon lang ito napag-uusapan sa mga legislative bodies.

Inayunan at sinuportahan din ni United Filipino Global (UFG) president Gemma Sotto ang panukalang ito ni Magsino. Sa pagkakaalam ni Sotto, batay sa karanasan ng mga OFW, ang mga flight delays at cancellations ay nangyayari kahit sa ibang airline companies, hindi lang sa Cebu Pacific.

Matapos ang mahigit isang buwang pananahimik, muling umalingawngaw ang pangalan ni Cong, iginigiit ang pagkansela sa prankisa ng Cebu Pacific. Ang rason, problema pa rin sa delays at cancellations, at aniya ay iba pang mga kapalpakan sa serbisyo.

With all due respect po Cong, malinaw na ang mga hindi kanais-nais na karanasan ng mga pasahero ay hindi lamang sa Cebu Pacific. Nakikiisa tayo kay Javellana sa kanyang pasasalamat sa inyong adbokasiya para sa mga pasahero. Kaya iaapela rin natin ang pakiusap ng UFCC: “Bigyang pansin din po sana ang problema sa refund ng mga pasahero ng Air Asia.”

Sa social media, nagkalat din ang mga reklamo sa serbisyo ng Air Asia. Ang mga reklamo sa sobrang delayed na pagbabayad ng refund dahil sa cancelled flights ay mayroong pang FB Groups. Hinaing ng mga pasahero ay sa social media na lamang isinisigaw dahil parang hindi raw naririnig ng Air Asia ang kanilang paniningil.

Ang sobrang delayed na refund mula sa Air Asia, sana ay huwag namang ma-cancel at tuluyan nang hindi makabalik ang mahalagang pera ng mga pasaherong nakansela ang flights.

“Palawakin at palalimin ang pananaw sa mga problemang nararanasan ng mga pasahero.”

Muli, agree tayo sa apelang ito ni Javellana kay Cong. Rodriguez. Mas gaganda nga naman ang adbokasiya ninyo Cong., kung maisusulong ang agarang mabigyan ng pansin at aksiyon ang iba pang mga problema sa aviation na dahilan din ng mga flight delays at cancellations.

Sa ating pananaw, mas kaaya-aya po Cong. Rodriguez kung hindi lang problema ng mga pasahero ng Cebu Pacific ang nais ninyong solusyonan. Umaasa ang mga mamamayan na sa usapin ng serbisyo para sa mga pasahero, alalahanin rin po sana ninyo ang parehong karanasan sa delays, cancellations, at iba pang reklamo sa ibang airlines, tulad ng problema sa refund ng mga pasahero ng Air Asia.

Mahirap na pong makulayan o magkaroon ng malisya sa inyong adbokasiya.

Aprub ba tayo riyan, Onin?

About Niño Aclan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …