Monday , December 23 2024
arrest, posas, fingerprints

Hustisya iginiit para sa Muslim na biktima ng ‘mistaken identity’

NANINDIGAN si Senador Robinhood  “Robin” C. Padilla ng hustisya para sa isang 62-anyos Muslim na inaresto dahil kapangalan ang isang taong sangkot sa maraming karumal-dumal na krimen.

Sa kanyang privilege speech, kinuwestyon ni Padilla ang kaso ng “mistaken identity” at posibleng diskriminasyon laban kay Mohammad Maca-Antal Said, na inaresto noong 10 Agosto.

“Ito po mahal na Ginoong Pangulo ay nilalapit ko sa ating lupon para mabigyan po ng hustisya ang matandang Muslim na ito na taga Lanao na sa mga oras na ito Ginoong Pangulo ay naghihimas ng rehas. Nakakulong pa rin po siya. Inilapit po namin sa korte ang sabi ng korte kailangan pang dumaan sa proseso. Hindi ko na po maintindihan kung ano bang proseso ang kailangan e matagal nang patay ito. ang suspect na sinasabi nila,” aniya.

“Ang kaso po ng mistaken identity ay hindi makatwiran, hindi makatarungan at hindi makatao. Hindi na po ito katanggap-tanggap lalo sa panahon na bumubuhos ang technology at innovation. Kung nais nating ibalik ang buong tiwala ng publiko at patatagin ang pundasyon ng isang makatarungang lipunan, wala na pong Filipino ang matutulad sa kapalarang sinapit ni Tatay Mohammad,” dagdag niya.

Ayon kay Padilla, inaresto si “Tatay Mohammad” ng NBI sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 habang papuntang Kuala Lumpur, Malaysia.

Nguni’t aniya, ang “Tatay Mohammad” ay 62 anyos at taga Balo-i, Lanao del Norte, na kapangalan lang ng isang Mohammad Said a.k.a. Ama Maas na may siyam na warrants of arrest.

Ipinakita ni Padilla ang larawan ni “Tatay Mohammad” at ni Ama Maas na aniya’y “kalayo-layo talaga” ang kaibahan.

Dagdag niya, taong 2018 nang mapagkamalan rin bilang wanted si “Tatay Mohammad” dahil sa kanyang pangalan ngunit ini-release rin kaagad ng NBI.

Mismong NBI na rin ang nag-isyu ng clearance noong 2018 at 2019 na nagpapakita ng “NO DEROGATORY RECORD” ni Tatay, nasa Saudi Arabia mula 2001 hanggang Oktubre 2011 – kaya wala siya sa Filipinas nang nangyari ang isa sa mga krimen ni Amah Maas noong Hulyo 2011.

Ayon din kay Padilla, taong 2016 pa lamang ay lumabas na ang mga balitang napatay na sa enkuwentro si Ama Maas sa operasyon ng militar sa Sulu.

“Paanong mapipiit sa bilangguan ang isang indibidwal na may NBI clearance na ‘No Derogatory Record,’ e malayang nakalabas-pasok sa bansa nang ilang ulit, wala sa Filipinas sa panahong sinasabing nangyari ang mga krimen, at higit sa lahat, malayong hindi tumutugma sa itsura ng akusado na ayon po sa mga balita ay pitong taon ng iniulat na patay? Dahil lamang po kapangalan niya yung MOHAMMAD SAID” ani Padilla.

Dahil dito, nanawagan si Padilla na tugunan ang mga butas ng ating polisiya sa information-sharing sa pagitan ng mga ahensya. “Mayroon po ba tayong teknolohikal na imprastraktura para sa harmonized, integrated at interconnected na sistema ng gobyerno?” tanong niya.

“Ang pinakamahalagang punto po ay ang pagsusuri ng ating mga sistema at polisiya para sa mga ahensiyang nagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng pagbibigay ng tumpak na kritikal na impormasyon sa paghuli sa mga aktwal na kriminal,” dagdag niya. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …