Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza Jak Roberto

Relasyon nina Jak at Barbie matatag ang pundasyon

RATED R
ni Rommel Gonzales

PATULOY na gumaganda at nagiging matibay ang relasyon nina Jak Roberto at kasintahan niyang si Barbie Forteza, na kahit magkaiba sila ng proyekto ay going strong sila bilang boyfriend/girlfriend.

Si Jak ay nasa The Missing Husband habang si Barbie naman ay bidang babae sa Maging Sino ka Man (katambal si David Licauco) na mapapanood na sa GMA simula September 11 kapalit ng Voltes V: Legacy.

Ano ang sikreto nina Jak at Barbie sa matatag na pundasyon ng kanilang relasyon?

Tiwala po sa isa’t-isa.

“May assurance po kami and talagang pinoprotektahan po namin ‘yung feelings ng isa’t isa.”

Pulis ang papel ni Jak sa The Missing Husband, kaya tinanong namin si Jak kung noong bata pa siya at wala pa sa showbiz ay naging pangarap niya ang maging pulis.

Parang hindi po, kahit noong bata ako, parang hindi naman po,” sagot ni Jak na kausap namin sa online mediacon ng serye na nabigyan siya ng role bilang pulis.

Gusto ko lang po action, kahit ano naman.”

Umeere sa GMA Afternoon Prime, gumaganap sa serye si Jak bilang si Joed, at sina Yasmien Kurdi bilang si Millie, at Rocco Nacino bilang si Anton.

Kasama rin sa serye sina Sophie Albert bilang Ria, Joross Gamboa bilang Brendan, Nadine Samonte bilang Nona, Michael Flores bilang Banong, Shamaine Buencamino bilang Sharon, Maxine Eigenmann bilang Leila, Cai Cortez bilang Glenndolyn, Patricia Coma bilang Aryaat Bryce Eusebio bilang Norman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …