Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovi Poe Monty Montgomery Blencowe

Lovi at Monty ikinasal na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IKINASAL na si Lovi Poe sa kanyang British boyfriend at film producer na si Montgomery Blencowe sa Cliveden House sa United Kingdom. 

Limang taong tumagal ang relasyon ni Lovi kay Monty bago nila napagkasunduang magpakasal.

Ang fashion designer na si Patricia Santos-Yao ang gumawa ng wedding gown ni Lovi at ang kaibigang si Adrianne Concepcion ang bridesmaid at stylist.

Backless wedding gown ang damit ni Lovi, habang naka-traditional suit and tie si Monty.

Ani Lovi, “I wanna savor this moment, habang naglalakad  na tinutugtog ang Pangarap Ko Ang Ibigin Ka ni Regine Velasquez samantalang kapansin-pansin ang pagpupunas ng luha ni Monty.

Taong 2019 nang mag-post si Lovi na kasama ang English film producer na si Monty. Noong 2021 naging engaged ang dalawa.

Sa isang sikat na hotel na mayroong 47 rooms tumira ang mga special guest na galing ‘Pinas nina Lovi at Monty. Kabilang sa mga dumalo sina Sen. Grace Poe-Llamanzares at anak nitong si Bryan, ang kuya rin niyang si Ronian Poe, Tim Yap, Isabella Daza, at Bela Padilla.

Nakita rin namin na dumalo ang kanyang manager na si Leo Dominguez mula sa ipinost nitong picture gayundin ang mag-asawang Vicky Belo at Hayden Kho.

Naunang lumakad sa aisle ang ring bearer, limang flower girls, apat na bridesmaid, na sinundan ng ina ni Lovi na si Rowena Moran.

Sa picture na ipinost ni Lovi sa kanyang social media account, sinabi nitong, “I have found the one who makes my soul sing (pulang pusong emoji). #LoviGoesFullMonty”

At bago ang kasal may post pa si Lovi ng picture ng Cliveden House na may caption siyang, “You give me butterflies.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …