SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
HINDI nakapagtataka kung marami ang tumututok sa mga digital series na likha ng Cinemyr Films dahil pawang mga kwento ng mga ordinaryong tao ang itinatampok nila. Kumbaga, mabilis nakare-relate ang viewers.
Kaya naman hindi nakapagtataka kung maging matagumpay din ang Ang mga Kwento ni ELLA na likha rin ng CINEMYR FILMS at RLTV Entertainment Production na pinamahalaan nina Direk Edmer Guanlao at Direk Ronald Abad. Mapapanood din ito sa Facebook at YouTube.
Ang Ang Mga Kwento Ni Ella ay pinangungunahan ni Ella Ecklund na may apat (4) na iba’t ibang istorya ng buhay na talaga namang tatagos sa mga puso dahil sa nakaaantig na istorya ng buhay pamilya.
Ito ay sa pakikipag tulungan ng Executive Producers na sina Ms. Euka Guanlao, Ms Marietta Abur Ecklund, at Mr Gordon Ecklund Jr..
Ayon kay Edmer, hundred million combined organic views na ang series na Cinekwento na produced by Cinemyr Films na napapanood sa Cinemyr Films official Facebook page at sa kanilang official YouTube Channel. Ang Cinekwento ay anthology film na produce mismo ng Cinemyr Films sa panulat at direksiyon ni
direk Edmer.
Sinimulan ang Cinekwento noong January 2022 sa hangaring makapagbigay ng libre at dekalidad na panoorin para sa ating mga kababayan.
Pag-amin ni direk Edmer, “Mahirap sa simula dahil produce mismo ito ng Cinemyr Films. Pero dahil sa pagtitiyaga nagbunga, over million views na ang bawat episode na inilalabas at nasa 563,000 followers na ang official Facebook page ng Cinemyr Films at 277,000 subscribers naman sa Youtube.
“At ngayon sa isang malakihang collaboration ng Cinemyr Films at RLTV Entertainment Production, para sa mas pinaganda at espesyal na episode ng Cinekwento nabuo itong ‘Ang mga kwento ni Ella.”
Ang Cinekwento ay isang platform na nagbibigay sa mga baguhang actor na nangangarap pasukin ang industriya ng pag-arte at pelikula.
Sinabi pa ng direktor na espesyal ang episode ng Ang mga kwento ni Ella ay dahil kasama rito at buda batang aktres na si Ella, na mula pa sa ibang bansa at bumyahe sa Pilipinas para ipamalas ang galing sa pag-arte.
Makakasama ni Ella sina Nanay Mara ng Cinemyr Prime Artist, Lito Capiña, Arjay Bautista, Mitch Dayupay, Erika Angel Perez, Karina Joy Macaspac, Justin Sanchez, at Tonny Abad na mga actor ng FLP Artist Management.