Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Azi Acosta Jaclyn Jose Mon Confiado Gold Aceron

Azi Acosta nakipagsabayan kay Jaclyn; puring-puri ng premyadong aktres

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MALAKING bagay para sa isang baguhan ang mapuri ng isang mahusay na aktres na si Jaclyn Jose at premyadong direktor na si Mac Alejandre kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat ni Azi Acosta sa dalawa para sa pelikulang Call Me Alma.

Ang Call Me Alma ay Vivamax Original movie na pinagbibidahan nina Azi at Jaclyn

kasama sina Aiko Garcia, Mon Confiado, Josef Elizalde, Gold Aceron, at Richard Solano na mapapanood na sa Sept 1.

Ani direk Mac puring-puri ni Jaclyn si Azi. 

Magkakasama kami noon nina Ricky Lee at Jaclyn nang magkaroon ng premiere ang Call Me Alma sa Cinemalaya at nasabi ni Jaclyn na nahuhusayan siya kay Azi. 

“Talaga namang mahusay ang batang ito. Nag-umpisa kami sa light drama hanggang sa heavy. Hindi siya nagpahuli kay Jaclyn. In fact nakasabay siya,” kuwento ni direk Mac nang magkaroon ng private screening kamakailam.

I feel like it’s an achievement po kasi idol ko po talaga si Ms Jaclyn Jose,” sabi ni Azi nang hingan ito ng komento ukol sa pagpuri sa kanya ng premyadong aktres. 

Before pa po ako mag-artista siya na ang nilu-look-up ko. Nakaka-overwhelm na habang nasa set kami nakaka-work ko siya at binibigyan niya ako ng tips sa tamang pag-arte. May acting coach din po kami si Tita Angie pati si direk at si Ms Jaclyn nga po,” dagdag pa.

Sinabi pa ni Azi na, “tingin ko po naging okey ang performance ko dahil sa mga nagga-guide roon sa akin sa set.”

Sa pagpasok ng Ber months, abangan si Azi na maging strong independent woman na gagawin ang lahat para makuha ang kahit na ano at higit pa sa gusto niya.

Taong 1999, lahat ay balisa sa bagong millennium at nangangamba na baka mag-end of the world na sa pagdating ng taong 2000. Pero sa gitna ng gulo at pag-aalala, isang dalaga mula sa Maynila ang patuloy na nagsisikap at hindi sumusuko sa mga pangarap niya. 

Kilalanin si Alma (Azi Acosta), isang prostitute sa isang high-end club. Dahil walang magulang at walang nagsusustento sa kanya, natutunan nang suportahan ni Alma ang sarili sa tulong ng pagtatrabaho niya sa club. Marami na siyang nakilala at napaligayang mga lalaki, pero may tatlong regular customers si Alma na nagkaroon pa ng sarili nitong mga nickname, sina Tiger Joe, Kabayo, at Puppy Dog. Si Tiger Joe ay si Mr. Lopez (Mon Confiado), isang mayamang abogado na may pagkasadista at mahilig sa role-playing kapag kinakama si Alma. Si Kabayo naman ay si Mr. JC (Josef Elizalde), isang bank executive na kilala dahil sa malaki nitong ari, at si Puppy Dog naman ay si Miguel (Gold Aceron), isang estudyante na nahulog ang loob kay Alma at naikakama rin ang dalaga kahit na hindi nagbabayad. 

Sa dami ng pera na kinikita niya at nakukuha mula sa iba’t ibang lalaki, komportable at kampante nang namumuhay si Alma, pero magugulo ito sa pagdating ni Sheila (Jaclyn Jose), ang babaeng magpapakilala na siya ang tunay na ina ni Alma. 

Magpapaliwanag si Sheila at susubukang makipag-ayos kay Alma, pero hindi siya pakikinggan nito, hindi niya kinailangan ng ina noon, at mas lalong hindi na niya ito kailangan ngayon. 

Ay pelikula ay idinirehe ni Alejandre at mula sa panunulat ng multi-awarded at renowned Filipino screenwriter, ang National Artist na si Ricky Lee.

Paanoorin kung paano matututunan ni Alma na minsan ang kapalaran natin ay nasa sarili nating mga kamay, at ang mga desisyon natin ang magdidikta ng mga kahihinatnan natin. Panoorin ang Call Me Alma, streaming exclusively sa Vivamax simula ngayong September 1, 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …