Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alexa Ilacad

Alexa bigong makakuha ng tiket sa concert ni Taylor Swift

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY dalawang dream role si Alexa Ilacad bilang artista.

I’ve said this before, that if I would be shooting for the stars, it would be ‘Mari Mar,’ either ‘Mari Mar’ po or ‘Rubi’ ni Ms. Angelica Panganiban, bida-kontrabida.

“So iyong dalawang iyon po ang kung paghihilingin ako ni Lord ngayon, ‘yun po talaga ang gusto kong gawin,”ang sinabi ni Alexa.

Samantala, tulad ng karamihan ng kaedad niya ay mahilig si Alexa sa concert. Kaninong mga upcoming concert ang gusto niyang mapanood?

Siyempre po si Taylor Swift sana, coz she’s touring now for her ‘The Eras Tour,’ kaso medyo parang hindi na ako umaasa kasi it seems a bit impossible to me right now to get tickets, coz pahirapan, talagang pasuwertihan din.”

Sinubukan niya ring pumila sa bentahan ng ticket ng concert ni Taylor sa Singapore.

Yes, hindi ako nakakuha ng code, but it’s okay, ibig sabihin not meant to be.

“At saka parang tinatanggap ko na lang po na baka hindi pa lang ngayon ‘yung time ko, happy na ako na makapanood na lang ng video niya sa Tiktok.”

Natanong naman si Alexa, kung ano ang major plans niya sa susunod na taon.

Actually I haven’t really thought about that, mas nag-fo-focus lang po ako sa ginagawa ko ngayon, but siguro I want to travel with my family, my whole family.

“I would love to travel with my whole family, sana po, ‘no? “And sana tuloy-tuloy ‘yung work, more shows, more movies, iyon lang naman po ‘yung gusto kong gawin sa buhay ko.”

Endorser si Alexa ng Manila Diamond Studio na nagbukas ng bagong branch sa 5th floor ng EDSA Shangri-La Plaza Mall sa Mandaluyong City.

At dahil endorser siya ng isang jewelry store na ang specialty ay diamond, tinanong namin si Alexa kung paano niya ikukompara ang sarili niya sa isang diamond.

There’s this quote I love na sabi nga diamonds form under pressure, through pressure, ‘di ba?

“So that’s something I would always remind myself of when I would feel down or pressured, I always remind myself na, ‘Oh just work through this, work hard through this and you’ll come out a diamond’, under all of this chaos and under all of this pressure.

“Iyon ang goal ko, to always come out as a diamond,” pahayag pa ni Alexa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …