Friday , November 15 2024
arrest, posas, fingerprints

Bantay salakay!
TINDERA NAAKTOHANG NANG-UUMIT NG PANINDA

HULI sa aktong nandurugas ng mga panindang ulam  ang isang tindera habang wala ang kanyang amo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. 

Mahaharap sa kasong paglabag sa Article 310 of RPC (Qualified Theft) ang inarestong suspek na si Jeanette Salazar, 51 anyos, storekeeper, residente sa Nadela St., Brgy Tangos South.

Batay sa ulat ni P/SSgt. Edison Mata, may hawak ng kaso, dakong 7:25 pm nang maaktohan ni Naomi Jemera, 28 anyos, business owner, ang suspek na kinuha ang mga paninda niya sa kanyang tindahan sa M. Naval St., Brgy, Tangos North.

Kaagad humingi ang biktima ng tulong sa mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 2 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Narekober sa suspek ang 7 packs ng sweet ham, 4 packs ng Pampanga’s best tocino, 2 packs ng pork tocino, 2 packs ng beef tapa, 1 pack ng carnival Hungarian sausage, at 1 pack ng Pampanga’s best BBQ ribs na may kabuuang halagang P1,568. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …