Wednesday , August 20 2025
Michael V Bitoy Vice Ganda

Michael V sa pagsasama nila ni Vice: Eto na ‘yun pre

RATED R
ni Rommel Gonzales

MULING nagkasama nitong nakaraang Sabado ang Unkabogable Star na si Vice Ganda at Kapuso Comedy Genius na si Michael V sa It’s Showtime.

Sa Instagram, nag-post si Michael V o Bitoy kung ano ang pumapasok sa isip niya kapag nakikita si Vice.

Recently, tuwing nagko-cross ang paths namin ni Vice Ganda, isa lang ang laging pumapasok sa isip ko… ‘possibilities’,” saad ni Bitoy.

May tanong din ang Kapuso star sa kanyang followers: “In a time na parang ‘puwede na,’ ano sa tingin n’yo ang posibleng mangyari?”

Ang kaibigan ni Bitoy at co-host ng It’s Showtime na si Ogie Alcasid, nagkomento sa naturang post na may kasamang high five emojis at sinabing: “eto na ‘yun pre.”

Maging ang leading lady ni Bitoy sa movie na Family Story na si Dawn Zulueta, nagkomento rin at sinabing: “Do it.”

Nag-guest si Michael V sa It’s Showtime nitong Sabado para sa birthday special ni Ogie.

Bago nito, nagkita rin sina Bitoy at Vice sa GMA Gala Ball noong nakaraang buwan. Hindi itinago ni Vice ang kanyang paghanga at pag-idolo kay Bitoy.

Nitong Sabado, nag-post si Vice ng larawan nila ni Bitoy na tinawag niyang “icon.”

Bukas naman si Michael V. na maging guest si Vice sa kanilang show na Bubble Gang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zela Lockhart

Zela plus factor suporta ng AQ Music at ni RS Francisco sa pagsikat

MA at PAni Rommel Placente NAI-RELEASE na ang debut album ng nag-iisang soloist ng AQ …

Lizquen Liza Soberano Enrique Gil

Liza Soberano 4ever na pramis kay Quen ‘di natupad

MA at PAni Rommel Placente HINDI napanindigan ni Liza Soberano ang sinabi niya kay Boy …

Atasha Muhlach R-Boney Gabriel Maine Mendoza

Atasha, R-Boney, Maine iniintriga 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang hindi napapanood sa Eat Bulaga! sina Atasha Muhlach …

HLA Hello Love Again Alden Richards Kathryn Bernardo Cathy Garcia-Sampana.

HLA ninega entry ng PH sa Oscars 7 iba pang pelikula pinagpipiliian

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMING negative reaction ang nakuha ng pelikulang Hello, Love, Again bilang …

GMA Network 75th Anniversary Station ID

GMA Network 75th Anniversary Station ID pinusuan ng netizen

RATED Rni Rommel Gonzales KINAGILIWAN ng mga netizen ang bagong Station ID ng GMA Network …