Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stephanie Raz Sid Lucero Millen Gal Mercedes Cabral

Stephanie Raz ‘bumigay’ kay Sid; Kahalili nakakalokang psychological thriller-sexy drama 

KAKAIBA at tiyak mananawa ka sa sex scenes ng pelikulang pinamahalaan ni direk  Bobby Bonifacio, Jr.. angKahalili para sa Vivamax na pinagbibidahan nina Stephanie Raz, Millen Gal, at Sid Lucero.

Tila umabot sa 15-30 minuto ang bawat sex scenes nina Stephanie at Sid, Millen at Sid, Stephanie at Victor Relosa na bukod sa iba’t ibang klaseng puwesto, hinaluan  pa ng artistic shot kaya lalong tumagal.

Mapapailing ka na lang talaga dahil sa sandamakmak na mga sex scene. Ito na yata ang pelikulang mula umpisa hanggang katapusan ay may mga matitinding halikan at pagniniig kaya tiyaj panalo ang mga viewer at subscribers ng Vivamax.

Nakagugulat ang ginawa ni Sid na talagang tumudo sa pagpopakita ng behind at kahubdan dahil nga sa maiinit at mapangahas na eksena.

May eksena pang piniringan siya habang nakikipag-sex kina Millen at Stephanie dahil sa pagnanasa nito sa huli gayung asawa niya ang una.

Kahanga-hanga rin ang tapang ni Stephanie na ayon nga kay direk Bobby wala itong kaarte-arte nang pahigain sa isang damuhan kasama ang mga baboy.

Bukod sa mga nakakalokang pakikipag-sex, may ipinaglalaban din naman ang bagong psychological thriller-sexy drama ng Vivamax. Ipinakita kasi rito ang masamang epekto ng paggamit ng bawal na gamot at panloloko ng kapwa. 

Tinalakay din sa pelikula ang ukol sa pagbubuntis sa pamamagitan ng surrogacy.

Iikot ang kuwento ng Kahalili sa isang dalaga na napapayag maging surrogate mother para sa mayamang mag-asawa.

Siya si Martha (Stephanie) 20, at namasukang katulong nina Rod (Sid) at Isabel (Millen) na may-ari ng isang farm house. Kalaunan, nakiusap sa kanya ang mag-asawa na siya ang magdala ng kanilang anak. Hindi sila gagamit ng teknolohiya, kundi magsisiping sila ni Rod para makabuo ng bata.

Natipuhan ni Rod si Martha, kaya hindi lamang ito trabaho para sa kanya. May pagka-misteryoso ang kanyang amo na si Rod, pero mapapansing masunurin ito sa mga hiling ng kanyang asawa.

Samantala, may pagkakatulad naman sina Isabel at Martha. Si Isabel ay mukhang mahiyain at ‘di makabasag-pinggan. Panatiko naman si Isabel ng mga bagay na may kaugnayan sa relihiyon at naniniwala siyang dapat nagpapasakop ang babae sa kanyang asawa. Pero ang totoo, siya ang nasusunod sa kanilang tahanan.

Gaya ng inaasahan, magdadalang-tao na si Martha, pero ang hindi nila inakala ay ang mapamahal sa kanya ang batang ipinagbubuntis. May pakiramdam din si Martha na may masamang balak sa kanya ang mag-asawa.

Habang nag-aalala siya para sa kanyang kaligtasan, nanunumbalik kay Martha ang mapait na nakaraan na kailangan niyang ilihim kina Rod at Isabel.

Mapapanood ang Kahalili sa Vivamax simula Agost 18. Kasama rin dito si Mercedes Cabral na tulad ng inaasahan, muling nagpakitang gilas at husay sa pag-arte.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …