Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Singapore

Bea pinuri ng netizens, interbyu ng batang Singaporean viral

RATED R
ni Rommel Gonzales

KATULAD ng nag-viral na video ng isang vlogger sa Amerika na walang kalamalay-malay na si Anne Curtis ang iniinterbyu, naulit ito and this time ay kay Bea Alonzo.

Isang bata sa Singapore ang hindi alam na isang sikat na artista ang kausap niya.

Viral ngayon ang video na makikitang ini-interview si Bea ng isang bata sa isang hawker place o kainan sa Singapore.

Sa video na in-upload ng isang TikTok user ay mapapanood ang batang lalaki habang papalapit kay Bea.

At on the spot ay in-interview ang aktres.

Excuse me, what are you famous of,” ang unang tanong ng bata kay Bea.

Sagot naman ni Bea, “I’m a movie actress, so maybe that’s it.”

Pagkatapos nito ay sunod-sunod na ang tanong ng bata kay Bea, na willing namang sinagot ng aktres.

Tanong ng bata kay Bea, “Why are you here in Singapore?”

Tugon ng aktres, “Because we’re celebrating my boyfriend’s birthday.”

Maya-maya pa ay makikita sa video na dumating na rin ang fiancé ni Bea na si Dominic Roque at umupo sa tabi ng aktres.

Umani ng papuri ang kabaitan ni Bea nang matunghayan nila na walang kaarte-arte at masayang sinagot ang lahat ng itinatanong ng bata.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …