Saturday , November 16 2024
Gari Escobar Bea Alonzo

Bea inspirasyon ng negosyanteng singer para makabuo ng hugot song

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

LIKAS ang pagiging mahiyain ng singer/businessman na si Gari Escobar. Pero dahil sa passion niya ang pagiging singer binibigyang oras at atensiyon niya ang paglikha ng musika at pagkanta.

Matagumpay na si Gari sa kanyang health and wellness business gayundin ang pagiging real estate agent pero hindi niya matanggihan ang kaway ng musika kaya naman from time to time ay binibigyan niya ito ng oras. Lalo’t marami-rami na siyang komposisyon.

At matapos niyang ilikha ng kanta si Ms Nora Aunor, vocal naman siya sa pagsasabing gusto niyang maka-collab si Ivani Alawi at gusto niyang handugan o gawan ng kanta si Bea Alonzo.

Nais ng negosyanteng singer na maka-collab sa second album niya, ang Ikaw Lang, na siya ring single ng album si Ivana.

Nakilala si Gari sa kanyang mga awiting Baguio, Lumaban Ka, Dito sa Piling Ko, Hanap Ko Pa Rin, at Ayaw Kong Makita Ka.

“Noon pa ko kino-convince ni Direct Elwood Perez na siya ang gagawa ng music video ng ‘Baguio’ at gawin din naming movie. May story line na siya para rito,” pagbabahagi ni Gari ukol sa awiting Baguio.

Ani Gari nais niyang mag-iba naman ng genre. “Actually may isa akong inihahandang album pero siyempre uunahin ko muna ang single. Ang plano namin ngayon ay mag-deviate roon sa dati kong genre kasi parang na-categorize ang iba kong kanta as novelty.

Hindi iyon ang gusto kong direction. Ang gusto ko multi-genre. Marami akong gustong gawin. Dito sa bago kong album may isang parang rap, may dance as in sasayaw ka talaga. Hindi ako magaling sumayaw pero mahilig akong sumayaw. Nakikita ko kasi ang sarili ko na sumasayaw habang nagpe-perform.

Gusto kong mag-explore sa ibang genre pa,” giit ni Gari nang minsang makahuntahan namin ito sa isang meryenda.

Sinabi pa ni Gari  na gusto niyang kantahin para kay Bea sa kasal nito kay Dominic Roque (kung mabibigyan siya ng pagkakataon) ang original niyang komposisyong, Tanging Ikaw bilang idolo rin niya ang magaling na aktres.

Sinabi rin ni Gari na marami siyang hugot sa buhay kaya nakasusulat siya ng mga makabuluhang lyrics.

Ito ay mula sa 37 heartaches na naranasan niya. Sa 37, 20 ang nakarelasyon niya at ang 17 ay nagpaasa lang at hindi niya nakatuluyan.

Naibahagi rin ni Gari na naging biktima siya ng pambu-bully noong kabataan niya at mga rejection at panloloko mula sa ibang tao. At lahat ng ito’y naibabahagi niya sa kanyang mga awitin.

At mula sa mga karanasang ito rito kumuha ng lakas si Gari para magsumikap at gawin ang lahat para abutin ang mga pangarap kaya naman inaani na niya ito at ngayon ay matagumpay na siya bilang negosyante at soon ay ang pagiging singer.

Ilalabas na sa Spotify ang mga kanta sa second album ni Gari at umaasa siyang marami ang tatangkilik dito bilang marami sa mga kanta niya ay relatable sa mga nangyayari sa buhay ng bawat isa sa atin.

Idinagdag pa ni Gari na bagamat late na niyang pinasok ang pagkanta dahil ngayon lang siya nakakuha ng tiwala o lakas ng loob, gusto lamang niyang maibahagi ang kanyang musika tulad ng kanyang mga idolong sina Rey ValeraBruno MarsEric Santos, Neil Young at iba pa.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …