Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jampsap Jojo Flores Maricar Moina

Jampsap Entertainment tatapatan ang It’s Showtime at Eat Bulaga: Noontime Jammers aarangkada

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MALAYO na talaga ang naabot ng Jampsap Entertainment Corporation dahil mula sa pgsusuplay ng mga talent ngayo’y sila na ang gagawa ng mga programang ipalalabas exclusive sa kanilang JAMSAP TV and Mobile app.

Bale fist and only TV mobile app ito na available sa app store at Google play store. At ang mga programang gagawin nila ay ipalalabas exclusive sa ES Transport o EDSA Carousel.

Bago ang media conference nagkaroon muna ng ribbon cutting para sa partnership ng Jamsap Entertainment Corp at ES Transport. Dinaluhan iyon nina Jojo Flores (Jamsap CEO), Maricar Moina (Jamsap COO), at Sheril Ong ng ES Transport.

Ayon kay Mr Flores, ang mga programang nakapaloob sa app ay produce nila at ang kanilang mga Jams artist ang gaganap.

Nakalinya sa mga gagawin nila ang morning talk show na Dear Teenagers, ang talk show na Adulting 101, ang noontime variety show na Noontime Jammers.

Mayroon din silang sports program, ang Jam Sports, travel show na Lakbay Jams, Sunday Musical-Variety Show na Jamsap Sunday, featured stories na Tagumpay Ka, sitcom na CoolLang CoolLang, kiddie show na Coolit Jammers, food show na Foodtrip: 8 Mo, 8 Ko!, at Liwanag na Jamsap Station ID.

Our company aims to deliver different type of entertainment together with Es Transport using the latest innovation and technology. We are hoping for the best and many successful years ahead for this join endeavor,” ani Ms Maricar.

Nilinaw naman ni Mr Jojo na ang mga programang nasa apps ay hindi video on demand. “Actually, it’s a tv programming. Kung ano ang mga napapanood sa mga tv—ABS, GMA, ganoon din ang lalabas sa mga bus. Ginamit lang namin ang data. Hindi siya iyong iki-click pa natin para mapanoood ang program whatever ang palabas sa oras na iyon, mula umaga hanggang gabi, tuloy-tuloy na ‘yun. Kaya habang umaandar ang Carousel, ganoon din ang mga programang palabas.”

“That’s the reason talaga kung bakit namin pinili si ES Transport dahil habang nakasakay ka sa bus we don’t have any other choice. Paano mo naman ililipat ‘yung nakalagay doon,” sabi pa ng COO ng Jams.

Isisingit ko rin lang po na na mayroon tayong ‘Noontime Jammers, hello ABS-CBN Showtime and hello Eat Bulaga, we have the Noontime Jammers, ang ka-jammers mo, ‘di ba?!,” pagmamalaki pa ni Ms Maricar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …