Sunday , December 22 2024
Coleen Garcia Billy Crawford Carlo Aquino, Ryza Cenon, Jerome Ponce, Rhen Escano, Kiko Estrada

Coleen ‘di sinukuan si Billy: lumaban at lumaban kami hanggang sa huli, hanggang dito

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

UKOL sa mga relasyong pinasok na minsan nagiging parte ng pagmamahal ang pagpapalaya sa mga taong mahalaga sa atin. Pero hanggang kailan ba natin hindi susukuan ang pagmamahal o isang relasyon?

Ito ang takbo ng pinakabagong serye ng Viva One, ang Kung Hindi Lang Tayo Sumuko na mapapanood simula August 21 at nagtatampok kina Carlo Aquino, Coleen Garcia, Ryza Cenon, Jerome Ponce, Rhen Escano, Kiko Estrada at marami pang iba.

At dahil  ukol sa sukuan ang tema ng serye, natanong namin si Coleen ukol sa kung may sinukuan na ba siyang bagay o relasyon?

“I think lahat naman tayo in someway may sinukuan. Sa hobby, toxic person in life. 

“Ako marami na, whether it’s something na I used to do or a person who is in my life, maraming beses na po akong sumuko.

At proud niyang ibinahagi na ang relasyon niya sa kanyang asawang si Billy Crawford ang hindi niya sinukuan. 

“Itong relationship ko with Billy ang hindi ko sinukuan, kasi hindi ba minsan may mga away, so naisip mo would I give up na? So, kami lumaban, at lumaban, at lumaban, at lumaban hanggang sa huli, hanggang dito. So I’m really happy na we fought, because it’s a very rocky road to get here, but we’re finally here.”

At dahil nga hindi nila sinukuan ang isa’t isa, “Masaya, we’re in such a good place right now. We’re very very happy both individually going through a lot of change right now since he’s out of the country for two months. So malaking adjustment para sa amin. So I believe na pag-uwi niya different people na kami, refresh, recharged.” 

At dahil muling mapapanood si Coleen sa Kung Hindi Lang Tayo Sumuko umasa siyang ito na ang simula ng pagiging aktibo niya sa paggawa ng mga proyekto.

“Hopefully  that’s what I’m hoping for. Dito pa lang ako nagtatantya and bumubwelo and I realized na since pinapayagan na ako ni Amari (anak nila ni Billy), may sariling buhay na siya, may sariling sched sana mas mapadalas (paggawa ng project),” sabi pa ni Coleen na sobra ang pagiging hands on mom sa anak.

Samantala, sina Allie (Coleen) at Benedict (Carlo) ay magkasintahan na nagsimula sa isang whirlwind romance pero napatibay at napatagal ang kanilang relasyon. Matapos ang ilang taon, nag-propose na rin si Benedict kay Allie at excited na ang dalawa sa magiging buhay nila na magkasama. 

Sa una ay masaya silang naghahanda para sa kasal, pero habang tumatagal, unti-unti nang bumabalik sa kanila ang mga problemang binaon sa limot o hindi nasolusyonan. Dito na sila mapapaisip kung tama pa ba ang naging desisyon nilang dalawa. 

Makakausap din nina Allie at Benedict ang mga kaibigan nilang mayroon ding mga relationship problems, at magiging dahilan pa para mas magulo ang isip nilang dalawa. Sina Georgina (Rhen Escaño) at Mark (Jerome Ponce) ay may LDR situation (long-distance relationship) at unti-unting nagkakalabuan. Sina Sandy (Ryza Cenon) at Derrick (Kiko Estrada) naman ay mag-asawang may problema tungkol sa pagtataksil at isang broken ego. 

Ipinrodyus ng Viva Studio, ang Kung Hindi Lang Tayo Sumuko ay isang series mula sa direksiyon ni Carlo Catu. Ito ang  first project ni Catu sa Viva at ibinahagi ng direktor ang kasiyahan niya sa paggawa nito.

 “Sobrang nakaka-excite… nakakakilig at nakaka-excite” ani Catu mula sa ginanap nilang digital story conference.

Ang Kung Hindi Lang Tayo Sumuko ay streaming exclusively sa Viva One simula August 21, 2023.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …