Friday , November 15 2024
Movies Cinema

Bida sa pelikula ng GMA walang kilig nganga pa

HATAWAN
ni Ed de Leon

HUWAG ninyo akong bobolahin, noong isang araw nagpunta ako sa isang mall para awayin ang isang telco na ang kulit sa kanilang sim registration samantalang nagpadala pa sila sa amin ng “congratulations” dahil maaga pa lang nai-rehistro na namim ang aming sim. Sumugod kami talaga sa malakas na ulan at hangin, dahil sa

pagkainis namin sa kanila.

Pero pagtapos niyon dahil napakalakas nga ng ulan at hangin, nag-ikot muna kami sa mall. Hindi naman kami pumasok at nanood ng sine dahil walang magandang pelikula at sa lamig sa loob ng sinehan at medyo basa pa ang aming damit aba eh mangangaligkig kami sa ginaw doon. Lalo’t wala namang nanonood.

Pero kinumusta namin ang mga pelikula. Huwag ninyo kaming paandaran ha, hindi kumita ang pelikula nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. Sinasabi na naman namin eh, iyang si Julie Anne na iyan para lang iyong isa pang ibinuild-up ng GMA 7 noon si Franceska Farr. Nasaan na nga ba ang batang iyon ngayon? Gaya rin naman ng pag-build up nila roon sa Ken Chan at Rita Daniela. Ngayon may anak na si Rita, at si Ken, ano pa nga ba ang mangyayari? Nasira na ang image ni Ken dahil isipin naman niyong pinalabas siyang Destiny Rose, eh sino pa ang maniniwala na in love siya kay Rita?

Ano iyon, may bago na namang strain ang LGBTQIA? Iyon ba iyong Plus plus?Ayusin ninyo iyan at baka sa susunod kayo naman ang rambulin ni Awra Briguela.

Sinasabi na namin eh, tumanda na rin kami sa shownbusiness, at sa tingin namin walang chemistry, walang kilig iyong tambalan nina Rayver at Julie Ann. Mas may kilig pa noon sina Rayver at Janine Gutrierrez eh, noong lumipat si Rayver sa GMA, na obviously naman ay dahil gusto niyang makasama sa isang network si Janine, ipinares naman siya kay Julie Ann. Eh ang mga Filipino, magaling iyan sa paresan. 

Hindi ba sa Pilipinas lang iyong hindi makakain ng mami ng walang siopao? Hindi ba tayo ang gumawa na magkapares ang suman at mangga? Minsan naman mangga at bagoong. Tapos suman at tsokolate. Pero iyong gagawin mong pares iyong tsokolate at bagoong hindi puwede iyon. Huwag ipilit ang ganoon.Hindi rin kakagatin ng fans iyan. Huwag ninyong pagbasehan ang nagtitiliang fans sa loob ng studio, alam naman

natin may tf din ang mga iyan kaya basta sinabihan ng floor director, nagtitilian pa iyang mga iyan na kulang na lang himatayin gaya ng mga dinadasalan ni Pastor Almeda noon doon sa Amoranto Stadium sa Roces. Kailangan realistic naman tayo. 

Huwag ninyong aangkinin na kayo ang may-ari ng universe. Magagalit sa inyo si Vice Ganda. Hindi niya kayo padidilain sa daliri niyang isinawsaw sa icing ng cake. Hindi kayo mapagsasabihan ni Rendon Labador na gumagawa ng kahayupan.

Ewan nagkakadugtong-dugtong na rin ang issues sa isip natin, mahirap talaga iyong gutom na, pero hindi kami nagpapalipas ng gutom ha, baka pumasok din sa isip namin na clone lang ni Maine Mendoza ang pinakasalan ni Arjo Atayde, nakakahiya. Congressman pa naman si Arjo sa mismong distrito namin, eh kakantiyawan kami “congressman ninyo nagpakasal sa clone:” Aling Mila, kakain din  naman kayo paminsan-minsan para hindi ganyan  na kung ano-ano naiisip ninyo.

About Ed de Leon

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …