Friday , April 25 2025
rain ulan

Dahil sa matinding baha at ulan
TATLONG BAYAN SA PAMPANGA ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY

TATLONG bayan sa lalawigan ng Pampanga ang idineklarang nasa ilalim ng ‘state of calamity’ dahil sa pagbahang dulot ng bagyong Egay (international name: Doksuri) at walang tigil na pag-ulan hatid ng habagat.

Nitong Linggo, 30 Hulyo, nagpasa ang Sangguinang Pambayan ng Sto. Tomas ng resolusyong nagdedeklarang ang bayan ay nasa ‘state of calamity’ na inaprobahan ni Acting Mayor Matias Pineda.

Sa resolusyon, sinabi ng mga opisyal ng bayan na mayroon nang 2,587 pamilya o 9,339 residente sa pitong barangay sa Sto. Tomas ang apektado ng pagbaha at umaabot na sa P7.25 milyon  ang halaga ng pinsala sa agrikulutura at pangingisda.

Nitong Sabado, 29 Hulyo, nauna nang nagpasa ng resolusyon ang mga konseho ng mga bayan ng Macabebe at San Simon na nagdedeklarang ang kanilang mga bayan ay nasa state of calamity.

Ayon sa mga opisyal ng Macabebe, aabot sa P119.3 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura at pangingisda, at 24,561 pamilya o 79,200 indibidwal na ang apketado ng mga pagbaha.

Dagdag nila, mayroon nang 612 katapo ang dinala sa mga evacuation facilities.

Naipasa at naaprobahan ang resolusyon ng mga opisyal ng San Simon, na 14 barangay ang apektado ng pagbaha at humihiling ang mga apektadong pamilya ng tulong mula sa pamahalaan.

Sa kanyang social media post nitong Linggo ng hapon, ipinahayag  ni Pampanga Governor Dennis Pineda na maaari nang gamitin ang Macabebe, San Simon, at Sto. Tomas ang kanilang 30 porsiyentong quick reaction funds upang maayudahan ang mga pamilya at mga indibidwal na apektado ng pagbaha.

Nagbuhos ng ulan ang bagyong Egay sa Luzon simula noong Lunes ng nakaraang linggo bago tuluyang mag-landfall sa Aparri, Cagayan noong Miyerkoles.

Umalis ito ng bansa noong Huwebes, 27 Hulyo, ngunit pinag-ibayo ang epekto ng habagat na patuloy na nagpapaulan nitong Biyernes at Sabado sa hilagang bahagi ng Luzon.

About hataw tabloid

Check Also

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Neri Colmenares

Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO

TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice …

042425 Hataw Frontpage

10 pulis-QC sibak sa ibinangketang ‘Marijuana’

ni ALMAR DANGUILAN SINIBAK sa puwesto ang sampung pulis ng Quezon City Police District (QCPD) …

Vico Sotto

Mayor Vico Sotto, Pinipilit na Magbigay ng Solusyon sa mga Isyu ng mga Konsehal

MATAPOS ang mga kamakailang protesta mula sa publiko, ang Alkalde ng Pasig City na si …

Joey Salceda

Mahahalagang benipisyong pamana ni Salceda para sa mga Seniors

LEGAZPI CITY – Mahalagang mga benepisyo para sa mga ‘Senior Citizens’ (SC) ang iiwanan ni …