Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Glaiza de Castro

Glaiza sobrang kabado sa kwintas na suot na nagkakahalaga ng P38.7-M

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGKUKUWENTO si Glaiza de Castro na noon daw GMA Gala, ang suot niyang kuwintas ay nagkakahalaga ng P38.7-M, kaya todo ang kanyang kaba at pag-iingat. Inamin niya na bawat beso sa kanya ng mga kakilala, panay ang check niya sa kanyang suot na kuwintas pagkatapos.

Kung minsan iyan ang nakatatawa sa ugali nating mga Filipino. Bakit nga ba nagsuot siya ng ganoon kamahal na kuwintas sa ganoong pagtitipon? Bakit ka gagamit ng alahas sa pagpunta mo sa isang party na sa halip mag-enjoy, ninerbiyosin ka dahil

sa suot na iyon. Ganoon din naman iyong mga bumibili ng mamahaling cellphone, pero basta tinawagan mo hindi sumasagot. Takot eh kasi nasa kalye sila at takot sila sa mga snatcher. Eh bakit kasi bumibili kayo ng cellphone na saksakan ng mahal tapos takot kayong gamitin? 

Ang dami namang cellphone na ganoon din ang nagagawa pero hindi ganoon kamahal? Tapos panatag pa ang loob mo na hindi mai-snatch at kung maiwan mo man kung saan siguradong ibabalik sa iyo.

Mahirap ang magyabang tapos hindi naman mapanatag ang iyong kalooban.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …