Sunday , December 22 2024
Ador Pleyto Bongbong Marcos

Puri ng solon kay BBM
JOB WELL DONE

MAGANDA, umano, ang mga ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., mula nang umupo sa Malacañang.

Sa panayam kay Bulacan 6th District Rep. Ador Pleyto, maganda ang umpisa ng panunungkulan ni Marcos at ginawa nito ang nararapat para sa bayan.

“It’s a compendium of the initial steps the President has done, and it’s obviously a good start,” ayon kay Pleyto.

Matapos ang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo, sinabi ni Pleyto, mainam ang pagkakalahad ni Marcos  kung ano ang mga gagawin sa susunod na limang taon.

               “There are still five more years to go but at least we now have a more concrete idea of the things to come. Simply put – it’s a job well done Mr. President,” ani Peyto.

Ayon kay House speaker Martin Romualdez maganda ang assessment ng pangulo patungkol sa tunay na lagay ng bansa.

               Ani Romualdez,  ang “pragmatic assessment” na ginawa ng pangulo ay maayos at tungo sa pag-unlad ng bayan.

“The message is crystal clear: Despite the turmoil in some parts of the globe, we have managed to keep the economy afloat, and that more and more Filipinos are benefitting from this significant improvement,” ani  Romualdez.

Sa panig ni Rep. Zaldy Co, Chairman ng House committee on appropriations, malaki ang pagbabago sa sektor ng kalusugan, housing at agrikultura.

“The administration has brought about positive changes and has fostered a sense of unity among Filipinos. It is a time of progress, compassion and solidarity under the of President Marcos,” ayon kay Co.

Para kay Rep. Mikee Romero, Chairman ng committee on poverty alleviation, ang hinaharap ng pamahalaan ng mga problema ng bansa ay may epekto sa ekonomiya.

“The President has started building the blocks of a more progressive Philippines in the years to come,” ayon sa kongresista ng 1Pacman partylist.

Para kay House Minority Leader Marcelino Libanan “on track” naman ang administrasyong Marcos pero kailangan pang harapin nito ang banta ng El Niño.

“Government should spare no effort in mitigating El Niño’s adverse impact on irrigation water supply and farm harvests, which could put an unwanted upward pressure on food prices,” ayon kay Libanan.

Hindi rin kombinsido si Rep. Gabriel Bordado, Jr., ng Camarines Sur patungkol sa  “economic growth, agriculture sector, and education system.” Aniya kailangan ito ng agarang aksiyon.

“While the Philippines experienced economic growth in 2022, the country is still significantly behind its pre- pandemic level,” ani Bordado. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …