ANG creative campaign para bigyang-diin ang halaga ng online safety ay nagsimula sa mga teaser posts sa lahat ng aktibong social media accounts nina Kiray at Kuya Kim. Ito ay nagtapos sa isang TikTok LIVE session, na ang mga impersonator ay nag-alok ng obvious na mga scam sa mga manonood, na epektibong nagpapakita ng mga posibleng panganib na naghihintay online.
Ang impostor ni Kiray ay nangako ng mas sosyal, maganda, at bonggang bersiyon ng minamahal na comedienne, na nauwi sa isang live selling event at isang dramatic na “face reveal.” Kasabay nito, ang impersonator ni Kuya Kim ay nagpahiwatig sa mga nangyayaring pagbabago sa isang TV show. Nangako pa ang ‘hacker’ ng mga juicy na sikreto sa likod ng mga eksena, mga tip sa pamumuhay, at isang sorpresang bisita para magpasabog ng interes at intriga.
Ang talagang dahilan sa likod ng mga gawaing ito ay inihayag dalawang araw pagkatapos ng livestream, habang nag-upload sina Kuya Kim at Kiray ng isang video na nagsasabing na-‘hack’ ang kanilang mga account. Ang kanilang mahalagang mensahe: totoo ang online identity theft, at dapat kumilos ang lahat para maprotektahan ang kanilang sarili, kasama na ang pagrehistro ng SIM.
Sa kampanyang ito, ipinakikita ng Globe ang dedikasyon sa pagtataguyod ng online safety. Mula Disyembre 2022, isinasagawa na ng kompanya ang iba’t ibang SIM registration drives. Ang pinakahuling kampanyang ito ay nagpapalakas ng mensahe na “hindi lamang numero ang iyong SIM – ito’y isang extensyon ng iyong identity.” Sa pamamagitan ng SIM registration, ginagawa ng mga customer ang isang kritikal na hakbang para maprotektahan ang kanilang digital identity laban sa mga posibleng scam.
Ipinaalala ng kampanyang Number Mo, Identity Mo sa lahat na ang laban sa online scams ay hindi kaya ng isang tao lamang, ito’y responsibilidad ng lahat.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph.